• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Palasyo sa Kamara: Unahin ang 2021 budget sa special session bukas, bago ang pulitika

DUMISTANSYA ang Malacañang sa isinagawang session ng kampo ni Mariqudue Rep. Lord Alan Velasco sa isang sports club sa Quezon City kung saan hinalal itong speaker ng Kamara.

 

Pero muling binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat isantabi muna ang pulitika o isyu ng House leadership at unahin ang pagpasa sa 2021 proposed national budget kung saan nakapaloob ang kinakailangang pondo sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Sec. Roque, ito ang dahilan at nilalaman ng proklamasyon ni Pangulong Duterte na nagpapatawag ng special ses- sion sa Kongreso simula bukas hanggang Oktubre 16.

 

Ayon kay Sec. Roque, ang mahalaga umano ay ang national budget at bahala na ang mga kongresista sa kanilang internal matters gaya ng isyu ng speakership pagkatapos nilang maipasa ang General Appropriations Bill (GAB).

 

Kaya hangad umano ng Malacañang na walang mang- yayaring intramurals bukas at pagtuunan lamang ng mga kongresista ang panukalang national budget. (Daris Jose)

Other News
  • Kasama ang charot, kilig at grabe… HEART, happy na nag-share ng six favorite Tagalog words

    HAPPY na nag-share si Heart Evangelista ng six favorite Tagalog words niya during sa cover shoot ng Harper’s Bazaar Singapore.     Sa IG ng naturang mag, pinost ang video ni Heart na parang tinuturo sa kausap niya ang ilang Tagalog words. Una rito ay ang “Charot.”   “Charot, meaning like C-H-A-R-A-U-G-H-T, like it’s more […]

  • Tatapusin na ng UP!

    Puntirya ng University of the Philippines na masikwat ang kampeonato laban sa defending champion A­teneo de Manila University sa paglarga ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Muling magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6 ng gabi kung saan […]

  • 1 utas, 2 sugatan sa pananaksak ng lasing na lalaki sa harap ng resto bar sa Navotas

    NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, Martes ng umaga. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Edsel”, nasa hustong gulang at residente ng Blk 33, Lot […]