Palasyo sa Kamara: Unahin ang 2021 budget sa special session bukas, bago ang pulitika
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
DUMISTANSYA ang Malacañang sa isinagawang session ng kampo ni Mariqudue Rep. Lord Alan Velasco sa isang sports club sa Quezon City kung saan hinalal itong speaker ng Kamara.
Pero muling binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat isantabi muna ang pulitika o isyu ng House leadership at unahin ang pagpasa sa 2021 proposed national budget kung saan nakapaloob ang kinakailangang pondo sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Sec. Roque, ito ang dahilan at nilalaman ng proklamasyon ni Pangulong Duterte na nagpapatawag ng special ses- sion sa Kongreso simula bukas hanggang Oktubre 16.
Ayon kay Sec. Roque, ang mahalaga umano ay ang national budget at bahala na ang mga kongresista sa kanilang internal matters gaya ng isyu ng speakership pagkatapos nilang maipasa ang General Appropriations Bill (GAB).
Kaya hangad umano ng Malacañang na walang mang- yayaring intramurals bukas at pagtuunan lamang ng mga kongresista ang panukalang national budget. (Daris Jose)
-
Ibang pasahero ng PUJs kusang nagbabayad ng P10
MAY MGA pasahero ng public utility jeepneys (PUJs) ang bulantaryong nagbabayad ng P10 bilang pamasahe upang bigyan ng suporta ang mga drivers at operators na nakararanas ng paghihirap dahil sa tumataas na presyo ng krudo. Ayon sa Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) may ibang mga pasahero na […]
-
Kaya nagpapaganda ng katawan: KRISTOFFER, naghahanda sa pagsali sa triathlon at sa mega serye
MAY dahilan kung bakit nagpapakondisyon at nagpapaganda ng katawan niya ang Kapuso hunk na si Kristoffer Martin. Naghahanda siya para sa kanyang pagsali sa triathlon. Sa Instagram, nag-post si Kristoffer ng isang video kung saan makikita ang bortang katawan niya na subsob sa workout at training. Nilagyan pa niya ng caption na: “And so it […]
-
PBA dinadagsa na ulit
UNTI-UNTI nang dumaragsa ang mga fans sa venues ng PBA Season 46 Governors’ Cup. Sa huling laro ng liga sa Smart Araneta Coliseum, umabot sa 6,502 ang nanood sa laban ng Barangay Ginebra at Rain or Shine noong Linggo. Ito ang pinakamaraming bilang ng fans na nanood ng live sapul nang […]