Palipaparan sa Bicol region bukas na … NDRRMC naka-alerto sa Bagyong Kristine
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
NAKA-alerto ngayon ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kasunod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ayon kay NDRMC Spokesperson at Office of the Civil Defense (OCD) Director Edgar Posadas ang pagsailalim sa red alert status ng ahensiya ay upang masiguro na natututukan ang mga panganganilangan sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Kasalukuyang nasa Philippine Areas of responsibility (PAR) pa ang Bagyo kaya nararapat lamang matutukan ang mga pangangailangan ng mga kababayan natin.
Sa monitoring ng NDRRMC, sumampa na sa 10 ang casualties ng Bagyong Kristine batay sa isinagawang validation.
Nasa mahigit 431,000 pamilya ang apektado ng bagyo mula sa 12 rehiyon kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga ito sa 4,567 evacuation centers.
Nasa pitong rehiyon ang apektado naman ng malawakang pagbaha.
Samantala, kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bukas na ang ilang paliparan sa Bicol region.
Partikular ang paliparan sa Daraga, Virac, Masbate at Naga at maaari na itong gamitin para sa air transport para sa mga relief goods.
Siniguro naman ni Bautista na may mga CAAP personnel silang naka standby para umasisti kung magkakaroon ng flights sa mga nasabing paliparan.
Ang Bicol region ang lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Iniulat naman ng Philippine Ports Authority na nasa mahigit 7,000 pa na mga pasahero ang stranded dahil sa bagyo. (Daris Jose)
-
NBA PLAYERS REACTIONS SA ‘BIG GAME’ NI BUTLER SA GAME 3
BUHOS pa rin ang iba’t ibang mga reaksiyon at pagbibigay pugay ng ilang mga players sa nakakabilib na performance ni Jimmy Butler na nagbitbit sa Miami Heat upang pahiyain ang Los Angeles Lakers sa Game 3. Una nang nagtala ng triple- double performance si Butler na may 40 big points, 13 assists at 11 […]
-
Clarkson desididong lumaro sa 2023 FIBA World cup
Desidido si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na makapaglaro bilang local player kasama ang Gilas Pilipinas sa presithiyosong 2023 FIBA World Cup. Mismong si Clarkson na ang nagkumpirma na buo ang puso nitong maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa naturang world meet na itataguyod ng Pilipinas kasama ang co-hosts na […]
-
CBCP nanawagan sa publiko na manatiling sumunod sa mga protocols ngayong panahon ng Semana Santa
NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols lalo na ngayong maraming mga aktibidad ang nakatakdang ganap sa panahon ng Semana Santa. Sa isang statement ay muling nagpaalala si CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa […]