• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAMAHALAAN, BABAYARAN ANG KALAHATI NG UTANG NG PHILHEALTH SA PRC

BABAYARAN ng pamahalaan ang kalahati ng P930.9- milyong utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).

 

Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na mangyayari ito sa lalong madaling panahon.

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na babayaran nito ang P930.9 milyong utang ng PhilHealth sa PRC matapos na ihinto ng humanitarian organization ang pagtanggap ng Covid-19 tests na chargeable sa state insurer.

 

Ang PRC ang responsable para sa isang milyong COVID-19 tests o 1/4 ng 3.8 milyong test ng bansa.

 

Sinabi ng organisasyon na hindi na sila tatanggap ng specimens para sa PhilHealth funded- tests P930 milyon sa PRC.

 

“It’s a matter really of accounting and payment. Di ko lang po masigurado pero parang tumatawad din ata tayo ng kaunti doon sa sinisingil ng PRC na wala naman daw pong problema,” ayon kay Sec. Roque.

 

“May mga papeles naman na ginagawa but I can assure you that at least half of that will be paid at the soonest time possible,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, tiniyak ni Pangulong Duterte kay Senador Richard Gordon na babayaran ng pamahalaan ang utang nito sa Philippine Red Cross na aabot sa halos isang bilyong piso.

 

Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay sinabi nito na maghahanap ang gobyerno ng pera para mabayaran ang naturang utang.

 

Magugunitang itinigil ng Philippine Red Cross ang kanilang mass testing matapos umabot na hindi mabayaran ng Philhealth ang utang nito umabot na sa P930 million.

 

Balak naman ni Senador Gordon, na siyang tumatayong Chairman ng PRC, na imbestigahan ang Philhealth dahil sa hindi pagbabayad sa kanila sa kabila ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Philippine Red Cross at ng state health insurer. (Daris Jose)

Other News
  • Aminadong nag-try mag-audition sa international movies… AI AI, very blessed kaya ayaw magpaapekto sa isyung binabato sa kanya

    ITINANGGI ni Ms. Ai Ai delas Alas na kasama siya sa cast ng international movie na dapat sana ay pagbibidahan ni Jokoy.     Pero inamin ng comedy concert queen na nakapag-audition for the said role.     “Nakaabot naman ako up to level 3 ng audition,” kwento ni Ai Ai sa intimate zoom presscon […]

  • Ads June 17, 2021

  • Seven months ng walang work, kaya umalis sa ABS-CBN… SHARON, ‘free agent’ na kaya puwede nang tumanggap sa ibang networks

    SA mahabang Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta last Sunday, nagpahayag ito na forever siyang magiging Kapamilya at patuloy na susuporta sa network kung kinakailangan.   “I have been and will always be a Kapamilya,” panimula ni Mega sa kanyang post.   “I have been with ABS-CBN since 1988, when they were just rebuilding their […]