Pamahalaan naghahanap pa ng ibang rail financing mula sa ibang bansa
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
NAGHAHANAP pa ng ibang rail financing sources ang pamahalaan mula sa ibang bansa matapos magbigay ng exorbitant rates sa interest ang bansang China.
Samantala patuloy na nakikipag negotiate pa rin naman ang pamahalaan sa bansang China para sa mga proyekto sa railways habang naghahanap na rin ng ibang funding sources ang Pilipinas.
Ating maaala na hindi na tinuloy ng pamahalaan ang financing application ng tatlong proyekto sa railways na may kabuohang gastos na P276 billion subalit bukas pa rin ito sa renegotiation.
“With the project’s staggering cost, the government may consider official development assistance or public-private partnership to put the projects back on track,” wika ni President Ferdinand Marcos, Jr.
Gusto ng China na mag charge na three percent para sa interest rate kung saan sinabi ng pamahalaan na masyadong mataas ito. Ang Japan naman ay nagpapatong lamang ng P0.1 percent para sa interest rate.
Ayon naman kay DOF undersecretary Mark Dennis Joven na kanilang pinagaaralan ang mga issues tungkol sa project cost laban sa financing cost.
Isa sa mga proyekto sa railways ay ang P142 billion na PNR Bicol o ang tinatawag na South Long Haul na siyang magdudugtong sa Laguna at Albay.
Ang nasabing PNR Bicol project ay mayron pitong (7) contract packages, apat (4) para sa civil works, dalawa (2) sa trains at isa sa project management consultancy. Ayon kay Joven na humihingi sila ng two percent fixed rate para sa kontrata ng management consultancy.
“We are pursuing talks with the Chinese for the remaining six contract packages, with China indicating a rate of at least equal to the marginal funding cost of China Eximbank, which is currently around three percent,” saad ni Joven.
Maliban sa PNR South Long-Haul project, kasama rin ang dalawa pa na proyekto sa railways. Ito ay ang Subic-Clark Railway at Davao-Digos segment ng Mindanao Railway Project (MRP).
Ang kontrata para sa P142 billion PNR South Long-Haul Project o Bicol Express ay binigay sa joint venture ng China Railway Group Ltd., China Railway No.3 Engineering Group Co. Ltd. At China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd noong nakaraang January.
Samantalang ang P51 billion Subic-Clark Railway Project ay binigay sa China Harbour Engineering Co. noong December 2020.
Ang P83 billion Tagum-Davao-Digos segment ng MRP ay nahinto na rin matapos ang China ay mabigong magbigay ng listahan ng mga contractors para sa design-build contract. LASACMAR
-
Get ready for a Forger holiday! Get your tickets for Spy x Family Code: White advance fan screening events on March 9
JOIN the Forgers in their dangerous weekend family getaway at the Spy x Family Code: White advance fan screening events on Saturday, March 9, 7pm at SM Megamall cinema 4 and SM North EDSA cinema 3. Fans can get to bag exclusive merch items along with watching the highly anticipated anime comedy ahead of its […]
-
P1.6 B expanded Subic expressway pinasiyanan
Nagkaron ng inagurasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at NLEX Corp para sa pagbubukas ng 8.2-kilometer na Subic Freeport Expressway (SFEX) expansion na nagkakahalaga ng P1.6 B. Ang bagong P1.6 B na expressway project ay patuloy na ginawa kahit na may pandemia ng COVID upang magamit agad at nang magkaron […]
-
Nakikita na ang aktres ang makakatuluyan: MARCO, naramdaman na si CRISTINE ang ‘the right one’ para sa kanya
BUKOD sa panonood ng special screening ng “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” na nagtatampok kina Cristine Reyes at Marco Gumabao, hindi mo maiwasang tingnan ang sweetness ng lead stars na umamin nang real couple na sila. Na ayon kay Marco ay nagsimula na siyang ma-attract kay Cristine nang una silang magkasama sa […]