Pamahalaan, papasok na sa huli at ika-apat na yugto ng National Action Plan
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
PAPASOK na ang pamahalaan sa ika- apat na phase ng National Action Plan kaugnay ng mga ginagawa nitong aksiyon laban sa COVID 19.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hanggang sa 1st quarter na lang ng 2021 ang phase 3 at pagkatapos nitoy papasok na ang phase 4 o ang huling phase na ang pokus ay vaccination roll out na.
Aniya, ang Phase 4 sabi ni Nograles ang pinakamalaking bahagi ng apat na phase na inihanda ng gobyerno na makapagpapabangon sa bansa.
Matatandaang, Marso hanggang Hunyo 2020 nang ikinasa ang phase 1 kung saan dito ay nagsimulang magpatupad ng community quarantine at kasunod nitoy ang detect-isolate-treat-reintegrate strategy na nasa ilalim naman ng phase 2.
Layunin ng pamahalaan na siguruhin na maayos ang kalusugan ng bawat isa habang unti- unting binubuhay ang ekonomiya ang target ng Phase 3 na makukumpleto na sa buwan ng Marso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Truck driver at helper, kinasuhan sa pagmamaniobra ng palitan ng manok
SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang dalawang indibidwal na responsible sa pagpapalit ng mga buhay na mga manok na nagresulta sa pagkakalugi ng mahigit P200K ng isang poultry company. Kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 308 in Relation to Article 310 of the Revised Penal Code […]
-
Sobrang witty at pinayuhan na sumali na: Tweet ni JANINE sa pagkatalo ni CELESTE sa ‘Miss Universe’, kinaaliwan kaya nag-viral
LAST Sunday, nag-viral din pala ang tweet ni Janine Gutierrez na, “As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s event.” Kaya agaw-eksena rin siya bukod sa trending topic na #CelesteCortesi at #MissUniverse2022. Ang “Lotlot” na tinutukoy ng anak ni Lotlot de Leon ay ginagamit sa showbiz […]
-
Gobyerno, target na bakunahan ang 90% ng mga guro at estudyante bago matapos ang Nobyembre
PUNTIRYA ng pamahalaan na tapusin ang pagbabakuna, kahit man lang 90% ng mga guro, estudyante at iba pang education personnel laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) bago matapos ang Nobyembre. Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., hepe ng National Task Force (NTF) against Covid-19, bahagi ito ng paghahanda ng gobyerno para tiyakin na ligtas […]