• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaan, patuloy na mino-monitor ang mga dumating na Chinese nationals sa bansa na nagpositibo sa Coronavirus disease 19

PATULOY  raw na mino-monitor ng pamahalaan ang mga Chinese nationals na dumating sa bansa na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

 

Ayon sa Burea of Quarantine, dahil na rin sa patuloy na pagpapaigting ng border control ng Pilipinas, nakapagtala sila ng ilang mga Chinese nationals na nag-positibo sa nakamamatay na virus.

 

 

Sinabi ni Bureau of Quarantine Deputy Director Roberto Salvador Jr., nagpositibo ang mga ito sa antigen test dahil hindi pa bakunado ang mga ito.

 

 

Agad namang inilagay sa isolation at isasailalim muli sa RT-PCR test sa Philippine Genome Center upang malaman kung anong variant ng Covid-19 ang kanilang dala.

 

 

Sa ngayon ay patuloy na hinihintay ng Bureau of Quarantine ang resulta ng RT PCR test ng mga ito na kasalukyang nasa isolation facility ng Philippine Genome Center.

 

 

Muli namang tiniyak ng Bureau of Quarantine ang mas pinaigting na border control ng ating bansa sa inbound travelers na mula sa China.

Other News
  • Sa raid sa Bulacan at Valenzuela P2.4 bilyong pekeng yosi, kagamitan nasamsam

    UMISKOR ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crime Unit at Bureau of Internal Revenue at iba pang lokal na law enforcement units kasunod ng pagkakalansag sa large-scale illegal manufacturing na nagresulta sa pagkakasamsam ng P2.4 bilyong halaga ng pekeng sigarilyo at smuggling equipment sa serye ng operasyon sa Bulacan at Valenzuela […]

  • Ads October 4, 2024

  • Murder suspect sa Navotas, arestado

    Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 […]