• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaan, pinayagan na ang 10% dine-in capacity; barber shop, parlors ng 30% sa MECQ

PINAPAYAGAN na ng pamahalaan ang ang dine-in operations sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

 

Pinapayagan na rin na mag-operate ang mga barbershops, beauty parlors, at iba pa sa 30% capacity sa MECQ

 

Sa isang kalatas na ipinalabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Abril 29 2021, ang rekomendasyon na payagan ang mga restaurants, eateries, commissaries, at iba pang food preparation establishments na ibalik na ang kanilang indoor dine-in services sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa iniyal na 10% venue o seating capacity.

 

Ang mga food preparation establishments, sa kabilang banda ay maaaring mag-operate ng kanilang indoor dine-in services “beyond this limitation,” sa kondisyong kailangan nilang mag-comply sa Joint Memorandum Circular No. 21-01 (s. 2021) o Safety Seal Certification Program.

 

Inaprubahan din ng IATF ang pagbabalik ng operasyon ng beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas na may inisyal na 30% venue o seating capacity sa MECQ areas.

 

“Moreover, these establishments shall only provide services that can accommodate the wearing of face masks at all times by clients and service providers,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ang ganitong personal care establishments, ay maaring mag-operate ng lampas sa limitasyon, “provided that they comply with Joint Memorandum Circular No. 21-01 (s.2021) or the Safety Seal Certification Program.”

 

Ang personal care establishments at serbisyo na hindi nabanggit ay hindi papayagan na mag-operate.

 

 

 

At dahil pinayagan na ay siguradong  mabibigyan na ng trabaho ang nasa 500,000 displaced workers.

 

 

“Ngayong pinayagan na ng  IATF ‘yung personal care services and indoor dining, we will have 400,000 workers doon sa personal care and another 100,000 sa restaurants na madadagdag sa dine-in,” ani Castelo.

 

 

Paliwanag pa niya, ang mga barbershops at salon ay maaari rin naman mag­lagay ng outdoor spaces para sa bentilas­yon. (Daris Jose)

Other News
  • DA naghahanda sa ‘worst case scenario’ sa suplay ng bigas dahil sa El Niño

    TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang anumang ‘worst-case scenario’ pagdating sa suplay ng bigas, bunsod na rin ng banta ng El Niño phenomenon.     Ayon kay Estoperez, tinatrato ng DA ang El Niño, gaya rin ng iba pang kalamidad, dahil ang […]

  • Mga audience hindi muna papayagang manood sa mga laro ng PBA

    WALA munang mga fans na papayagan ang Philippine Basketball Association (PBA) sa muling pagbabalik ng mga laro.     Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na ito ang isa sa kanilang napagkasunduan sa ginawang pagpupulong ng board.     Nais kasi ng PBA na maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19 lalo na aniya at mataas pa […]

  • Phivolcs, hindi pa nakikitang may pangangailangan na ilagay sa “higher alert level” ang Bulusan

    HINDI pa nakikita ng  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang pangangailangan na itaas ang Bulusan Volcano sa Sorsogon sa Alert Level 2 sa kabila ng panibagong pagputok, araw ng Linggo.     Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, malaki ang posibilidad ng muling pagputok ng bulkan matapos na pumutok ito ng  madaling araw […]