• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaan walang balak gawing pribado ang NAIA

Walang balak muna ang Marcos administrasyon na ibenta o maging pribado ang pamamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na may ginagawa at tinatayong tatlong paliparan na malapit sa Metro Manila.

 

 

 

“The government will maintain NAIA as the country’s primary gateway as it intends to use airports around Metro Manila as secondary points of entry. Transport secretary Jaime Bautista has advocated for a multi-airport approach to address the growing air travel needs of Filipinos, especially those residing in Metro Manila,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Roberto Lim.

 

 

 

Noong nakaraang linggo ay nagbigay ng notice of award ang panlalawigan pamahalaan ng Cavite sa consortium na pinangungunahan ng grupo ni Yuchengco upang itayo ang Sangley Point International Airports (SPIA) na nagkakahalaga ng $11 billion. Magkakaroon nito ng dalawang (2) runways na makapagbibigay ng serbisyo sa mahigit na 75 million napasahero.

 

 

 

Dahil dito marami ang nagtatanong kung anong gagawin sa NAIA kung saan ito ay naging sentro ng usapan na maaaring sasailalim na lamang ito sa isang rehabilitation at magkakaroon ng pagbabago sa layunin bilang isang pangunahing airport gateway sa bansa.

 

 

 

Pabor naman si Albay Rep. Joey Salceda na maging pribado ang NAIA dahil makapagbibigay ito sa pamahalaan ng P500 billion sa pondo ng Marcos administrasyon na maaaring gamitin sa pagbabayad ng mga utang ng Pilipinas o di kaya ay para gamitin para sa mga budget constraints na kinakaharap ng bansa.

 

 

 

Habang sinabi naman ni Lim na ang pagtatayo ng SPIA at expansion ng Clark International Airport ay makakatulong ito upang maging alternatives ito sa NAIA habang mananatili pa rin itong main gateway.

 

 

 

“The development of SPIA through PPP scheme, in collaboration with the Cavite provincial government, will help ease the capacity strain on NAIA. Likewise, the expansion plan for Clark International Airport will allow it to become an alternative gateway for Metro Manila, Central and Northern Luzon,” saadni Lim.

 

 

 

Ayon sa datos, ang passenger traffic sa domestic at international arrivals sa NAIA ay naitalagang 15.59 million hanggang July. Sa panahon ‘yon ay may pitong (7) pasahero kada sampu (10) ang naglakbay para sa domestic destinations habang ang mga natirang bilang ay nag-book ng international.

 

 

 

Sa isang pagkukumpara, ang passenger volume naman sa CIA ay may naitalagang 434,214 sa pagitan ng January hanggang August ayon sa operator na Luzon International Premier Airport Development (LIPAD). May 83 na porsiyento ang pasaherong international ang gumamit ng CIA kumparasa NAIA.

 

 

 

Subalit iba ang opinyon ni Infrawatch PH convenor Terry Ridonna dating member ng House Committee on Transportation kung saan niya sinabi na ang viability ng bagong airport tulad ng SPIA at New Manila International Airport ay depende kung kaya nitong tapatan ang NAIA.

 

 

 

“All four airports will invariably compete for the same passengers and airlines even in the years prior to 2028, or the year when the first phase of SPIA will be completed, but the public and the government have yet to see whether Sangley ang Bulacan will even be able to proceed to their full construction in the next five years,” ayon kay Ridon.

 

 

 

“If the government redevelops NAIA instead of repurposing it, the market will then decide which of the four airports will be most viable, particularly on their ease of access and flight availability,” dagdag ni Ridon. LASACMAR

Other News
  • 2 tulak arestado sa P204K shabu sa Malabon

    KULONG ang dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.       Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Ross Deguia, 23 ng Celia I St., Brgy. Bayan-Bayanan at […]

  • Suplay ng isda sa Holy Week, sapat – BFAR

    TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa.   Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangi­ngisda sa ilang lugar.   “Dahil nasa peak season tayo ngayon […]

  • MATTEO, pinuna ng basher sa pagbubuhat ng barbell at tinawag na ‘copycat clown’

    PINOST ni Matteo Guidicelli ang video ng pagbubuhat niya ng barbell na may bigat na 130 kg na kitang-kita kinaya niya per sa bandang huli’y nahirapan na talaga talaga siya.     Caption niya, “PR UNLOCKED TODAY!! #StayHard     “Training with Coach Arnold has always been “hard working” sessions. That’s why we do the […]