• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan, BTCVB pinag-usapan ang anxiety at depression sa industriya ng turismo

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival sa taong ito, nakipagtulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO) sa Bulacan Tourism Convention and Visitors Board (BTCVB) at pinag-usapan ang anxiety at depression sa industriya ng turismo sa isang online learning webinar sa pamamagitan ng Zoom application noong nakaraang Setyembre 11, 2020.

 

Mahigit isang daang practitioners at mag-aaral ng turismo at hospitality ang nakiisa sa webinar na pinamagatang “Conquering Anxiety and Depression during the Community Quarantine Among Tourism Students and Practitioners”.

 

Tinalakay ni Dr. Joseph Mauro Sayo ang mental health sa gitna ng COVID-19 at ipinunto na ang pangangalaga sa isipan ay kasing halaga ng pangangalaga sa katawan. Sa katunayan, hindi magiging malusog ang isa ng wala ang isa pa.

 

Pinayuhan niya ang mga nagsidalo na matulog ng sapat, kumain ng regular, mag-ehersisyo, maging konektado sa mga kaibigan at pamilya, isagawa ang mga relaxation techniques, at humingi ng tulong kung kinakailangan.

 

Para sa ikalawang yugto ng programa, ibinahagi nina Vergel Santos, Karl Pascual Del Rosario, Pamela Cindy Nuguid, at Ma. Vanessa Dela Cruz kung paano nila ginawang oportunidad ang kasawiang-palad.

 

Si Santos, isang head waiter sa isang cruising line at napauwi dahil sa pandemya, ay nagkaroon ng ideya sa negosyong chili garlic oil sa tulong ng kanyang pamilya; si Del Rosario, isang apektadong hotel bartender ang pumasok sa isang pizza with dip na negosyo; si Nuguid, isang cabin crew ay nadiskubre ang kanyang pagkahilig sa nutrisyon; at si Dela Cruz, isang akreditadong tour guide ang lumipat sa vlogging at negosyong milk tea.

 

Sa kanyang pre-recorded na mensahe, nagpasalamat si Gobernador Daniel R. Fernando sa lahat ng nakiisa sa mga programa ng Singkaban Festival kahit pa ang mga aktibidad ay isinagawa online.

 

“Sa ngayon, ipapakita natin na hindi kayang talunin ng pandemya ang pagmamahal sa kultura at talento ng liping Bulakenyo. Umasa po kayo na kahit nagbago na ang anyo ng ating pagdiriwang dahil online tayo at hindi face to face, mananatiling iisa ang kagalakan at pasasalamat para sa panibagong taon ng ating kasaysayan,” anang gobernador. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Sotto No. 79 na sa mock draft

    NASA No. 79 spot na si Kai Sotto sa inilabas na mock draft ng isang basketball website para sa 2022 edisyon ng NBA Rookie Draft na gaganapin sa Hunyo 23 sa Brooklyn, New York.     Ayon sa NBA Draft Room, malaki ang improvement ng 7-foot-3 Pinoy cager sapul nang maglaro ito sa iba’t ibang […]

  • Robert Pattinson Admits ‘The Batman’ Is The Hardest Thing He’s Ever Done

    ROBERT Pattinson, has admitted that taking on the role of the Caped Crusader in The Batman is the hardest thing he has ever done.     Initially being conceived as a spinoff outing of Ben Affleck‘s Batman after Batman V Superman, the actor later left the film after giving up the DC role completely, leading director […]

  • P6.37M in TUPAD wages benefit over 1,000 workers in Ormoc City

    Ormoc City – A total of P6.37 million in wages have been recently paid to some 1,419 informal sector workers in Ormoc City as the Department of Labor and Employment continues to intensify implementation of its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.     The wage payout was led by Labor Secretary Silvestre […]