• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, DOT at ECPAT, isinagawa ang Child Safe Tourism seminar

LUNGSOD NG MALOLOS- Sa pinagsama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Kagawaran ng Turismo-Rehiyon III at ng End Child Prostitution, Child Pornography and the Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) Philippines, naisagawa ang Child Safe Tourism Seminar sa pamamagitan ng Zoom kamakailan.

 

 

Tinalakay sa nasabing seminar ang pinakabagong programa ng Kagawaran ng Turismo na tinawag na Tourism Integrates, Supports, and Minds Women’s Respect and Child Safety (TourISM WoRCS Program) na dinaluhan ng Bulacan Association Resort Owners at Bulacan Private Resorts.

 

 

Layunin nitong ibaba sa mga nagsidalo ang hinggil sa industriya ng turismo, epekto nito sa mga bata, mga hakbang na ginagawa upang protektahan ang mga bata, at hikayatin ang pagpapatupad ng mga polisiya at gawain upang matigil ang pagpapabaya at pananakit sa mga bata, at mahikayat sila na maging mga tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga bata at komunidad na rumerespeto sa karapatan ng mga bata.

 

 

Ayon sa Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, itinuturing ang turismo na isa sa pinakamalaking industriya na nag-aakyat ng kita sa ekonomiya at sa komunidad sa buong mundo. Ngunit, kaakibat ng mga benepisyong ito ang mga hindi magandang dulot nito sa larangan ng usaping sosyal gaya ng pagiging lantad ng kahinaan ng mga batang naghahanap-buhay at naninirahan sa mga pook panturismo.

 

 

“Matagal na nating ipinaglalaban ang karapatan ng mga bata, ipinagbabawal ang child labor at child trafficking. Ang mga kabataan po ang pag-asa ng bayan pero hindi naman po ibig sabihing pwede natin silang pagkakitaan at ibenta ang kanilang mga karapatan. Tandaan po nating responsibilidad nating mga nakakatanda, mga magulang ang ating mga kabataan,” ani Fernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • VACCINATION SITES SA POOLING CENTER, COMELEC, HINDI PABOR

    HINDI pabor ang Commission on Elections (Comelec) sa mungkahi ng  Department of Health (DOH) na maglagay ng vaccination sites malapit sa  polling centers sa May 9, election.     Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, nais nilang tumutok  sa main event sa araw na iyon na ang mga mamamayang Pilipino ay bumoto.     “Personally, […]

  • PDu30, itinalaga si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response

    OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response.   Ito’y batay na rin sa mga larawan na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Biyernes.   Kasama ni Dizon ang kanyang pamilya na nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte, araw ng Martes.   Ang appointment ni Dizon ay […]

  • Obiena flag-bearer sa Vietnam SEAG

    SI WORLD  No. 5 pole vaulter Ernest John Obiena ang tatayong flag-bearer ng Team Philippines sa opening ceremony ng 31st Southeast Asian Games sa MNy Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam.     Hindi pinayagan ng Vietnam ang pagkakaroon ng Pinas ng dalawang flag-bearers sa katauhan nina Obiena at Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz. […]