• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, naghanda ng vaccination plan para sa mga Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Bago ang pagdating ng unang pangkat ng COVID-19 vaccines, ibinahagi ni Gob. Daniel R. Fernando ang pangkalahatang vaccination plan ng Lalawigan ng Bulacan sa isang virtual press briefing sa pamamagitan ng Zoom application sa pangunguna ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, Jr. noong Huwebes.

 

 

Sa kanyang presentasyon sa pagpupulong, sinabi ni Fernando na nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng microplanning sa local government units (LGU) at provincial level para sa paglalaan ng bakuna at upang magkaroon ng mas epektibo at mas mahusay na implementasyon ng plano sa pagbabakuna kung saan ang mga frontliner at health worker mula sa mga pribado at pampublikong pasilidad sa Bulacan ang prayoridad na makatatanggap ng bakuna kasama ang mga barangay health emergency response team (BHERT); mga senior citizenindigent population; at uniformed personnel.

 

 

Samantala, may kabuuang 833 frontliners at health workers mula sa Bulacan Medical Center (BMC) ang unang grupo na mababakunahan.

 

 

Bukod pa dito, nakatalaga na rin ang mga vaccination team kung saan ang The Pavillion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center ang siyang magsisilbing main vaccination center sa lalawigan.

 

 

Tinalakay rin ni Fernando ang vaccine risk communication plan na naglalayong magbigay kaalaman at hikayatin ang mga tao tungkol sa pagbabakuna at tulungan silang maunawaan ang benepisyong maidudulot nito.

 

 

“Patuloy din ang pagsasagawa ng mga communication campaigns at pamimigay ng IECs tungkol sa mga vaccines at hopefully, mapataas natin ang bilang ng mga taong magpapabakuna dahil sa totoo lang po, marami pong mga katanungan ang ating mga kababayan at kinakailangan natin sila mabigyan ng impormasyon tungkol diyan; at malalim pong impormasyon ang kailangan nating ihanda para dito. Lalo na po yung mga napapabalita na tungkol sa nangyari sa Pfizer,” anang gobernador.

 

 

Nakiusap rin siya para sa suporta ng pamahalaang nasyunal na tulungan ang lalawigan na magkaroon ng sapat na bilang ng mga bakuna para sa mga Bulakenyo.

 

 

“Ako po, kasama ang mga LGU ng lalawigan ay umaasa na ang DOH o ang national government ang siyang magbibigay sa amin ng mas malaking bahagi ng aming mga kakailanganing vaccines. Napakalaking bagay po na ang national government ay susuporta sa Lalawigan ng Bulacan upang mas mapalawak ang aming implementasyon,” aniya.

 

 

Nakatakdang magsagawa ng simulation exercise ang Pamahalaang Panlalawigan sa darating na Biyernes upang masubok ang kahandaan ng lalawigan sa oras na dumating na ang mga bakuna.

 

 

Magmumula ang mga bakuna sa mga drugmaker na Pfizer-BioNtech at AstraZeneca sa ilalim ng isang kasunduan kasama ang COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 20 milyong Gen Z voters, inaasahan sa 2025 elections

    AABOT sa mahigit 20 milyong botante, na kabilang sa tinaguriang ­Generation Z, ang inaasahang lalahok at boboto para sa nalalapit na May 2025 National and Local Elections (NLE).     Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kung ang pagbabasehan ay ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), aabot sa 24 ­milyon ang mga botanteng […]

  • Mga unvaccinated na nagkakasakit, mas anti-life at anti-poor kaysa ‘no-vax-no-ride’- DOTr

    PINALAGAN ng Department of Transportation (DOTr) ang turing ng ilang sektor na anti-poor at anti-life ang kautusan nito na “no vax- no ride” o pagbawalan ang mga unvaccinated individuals mula sa pagsakay sa public transportation sa National Capital Region (NCR) habang ang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 3.     “Mas anti-poor at […]

  • MARIAN, nangakong ipagluluto sina BEA ng ipinagmamalaking menudo ng kanyang lola; DINGDONG at DOMINIC matagal nang magkaibigan

    HINDI naitago ni Bea Alonzo ang saya at kilig nang first time na makaharap sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at si Ms. Korina Sanchez sa isang virtual event ng Beautéderm na pag-aari ni Rhea Anicoche-Tan na nagsi-celebrate ng 12 years anniversary.     Sa naturang virtual event na hinost ni Daula Sauler, inamin ng bagong Kapuso actress na kinikilig talaga siya ng makasama sina Marian at Korina.   […]