• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamasko ng Malabon LGU… HIGIT 84K MALABUEÑOS TATANGGAP NG IKAAPAT NA AYUDA

MAKAKATANGGAPmula sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng ikaapat na bahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Malabon Ahon Blue Card (MABC) ang nasa 84,048 benepisyaryo bilang bahagi ng mga hakbangin ng lungsod na magdala ng saya at pagmamahal sa mga Malabueño ngayong kapaskuhan.

 

 

 

Ibinahagi ng City Monitoring, Evaluation, Accountability, and Learning (MEAL) Office na ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay maaaring mag-claim ng cash assistance sa pamamagitan ng anumang BancNet-powered ATM, Universal Storefront Services Corporation (USSC) branches sa buong bansa, o gamitin ang MABC bilang debit card sa anumang mga tindahan ng gamot, fast food chain, supermarket, mall at iba pang tindahan na tumatanggap ng mga pagbabayad sa pamamagitan ng POS (point of Sale) machine simula Disyembre 13 (8:00 am) hanggang Disyembre 20 (11:59 pm).

 

 

 

“Sinikap natin na matupad ang ating pangakong mas madaming ayuda mula sa Malabon Ahon Blue Card ngayong taon. Maliban sa unang tatlong ayuda at sa hospital at burial assistance na ating inilunsad ngayong 2024, ay atin na ring ipamamahagi ang ika-apat na ayuda. Kaya naman ihanda niyo na ang inyong mga Blue Cards at kunin ito upang inyong maipambili ng panghanda ngayon Kapaskuhan. Tayo po sa pamahalaang lungsod ay nagsisikap na mas mailapit sa lahat ng Malabueño ang lahat ng ating programa at serbisyo. Sama-sama tayo sa lahat ng panahon,” ani Mayor Jeannie Sandoval.

 

 

 

Ang may mga hawak na MABC ay makakatanggap ng text message mula sa USSC kung ang kanilang cash aid ay magagamit na para sa withdrawal. Maaari din nilang suriin ang kanilang mga pangalan sa pamamagitan ng isang link na may listahan ng mga pangalan na naka-post sa Facebook page ng Malabon Ahon Blue Card.

 

 

 

Hinihikayat ni MEAL Office head na si Ms. Catherine Larracas ang mga Malabueño na gamitin ang mga MABC bilang mga debit card sa iba’t ibang tindahan upang madali silang makabayad para sa mga groceries at iba pang pangangailangan.

 

 

 

Nilinaw ng tanggapan ng MEAL na ang lahat ng mga benepisyaryo ng MABC ay karapat-dapat para sa ikaapat na ayuda, maliban sa mga bagong may hawak ng blue card, sa mga nag-claim ng kanilang mga card noong Nobyembre 25, at mga indibidwal na hindi pa nakaka-claim ng kanilang mga MABC (hanggang Disyembre 20).

 

 

 

Ayon kay City Administrator Dr. Alexander Rosete, sinimulan ang programang ito ng may layuning mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa mga Malabueño at mailapit ito sa lahat ng pamilya para marami pa ang mabigyan ng tulong.

 

 

 

“Ngayong kapaskuhan, ang ikaapat na ayuda na ito ay ating munting regalo para sa lahat ng mga Malabeueño. Nawa ay maging inspirasyon ang programang ito para sa lahat na magtulungan at magkaisa lalo na ngayong Kapaskuhan,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 11, 2024

  • Pasinaya sa Casa De Polo at paglulunsad ng Coffee Table Book at Cultural Night sa Valenzuela

    BILANG bahagi ng pagwawakas ng selebrasyon ng ika-400 founding anniversary, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Casa de Polo sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang panauhing pandangal na si first lady Louise Araneta-Marcos.     Kasunod nito, ang paglulunsad ng coffee table book ng lungsod na nagha-highlight sa kasaysayan at pag-unlad ng Valenzuela sa […]

  • Lakers olats sa Celtics, Jaylen Brown 37 points

    GUMANA ang pulso ni Jaylen Brown sa dulo ng regulation at sa overtime para balikatin ang Boston sa 125-121 win laban sa karibal na Lakers Sabado ng gabi sa TD Garden.   Umiskor si Brown ng 37 kabilang ang panablang three-point play 4 seconds sa regulation, dinagdagdan ng 11 sa OT. Nagbaba pa siya ng […]