• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamilya Dacera, kinontra ang medico-legal report

Kinontra ng ina ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera ang ikalawang report ng medico legal ng PNP na nagsabing walang naganap na homicide kundi natural death ang nangyari dito.

 

 

Ayon kay Sharon Dacera na hindi sila nagbigay ng permiso kay Lt. Col. Joseph Palermo ng PNP Crime Lab na kumuha ng anumang bahagi sa organs ng kanyang anak.

 

 

Ito rin ang sinabi ni Atty. Roger “Brick” Reyes, tagapagsalita ng pamilya Dacera na nagsabing isang “total misrepresentation” ang pahayag ni Palermo lalo pa nga’t inilabas ito isang araw matapos ilibing si Christine.

 

 

“Ang mga labi ni Christine ay nasa  General Santos City na noong Enero 7, inilibing siya ng Jan.10 at ang report ay Jan. 11, samakatuwid hindi ito autopsy report”, pahayag pa ni Reyes.

 

 

Hindi umano ito maikokonsidera na  autopsy report  dahil hindi naman nagsagawa ng autopsy si Palermo sa mga labi ni Christine. Isa lang umano itong eksaminasyon sa ­ilang bahagi ng organs ni Christine.

 

 

Pinuna rin ni Reyes ang report ni Palermo na isang ‘opinionated’.

 

 

Mas makakabuti umanong hintayin ang resulta ng isinagawang autopsy ng NBI.

 

 

Ayon naman sa kampo ng mga inaakusahan, hindi umano opinyon lang ang lumabas na report ng medico legal.”Mga professional ‘yan, hindi sila maglalabas ng report na walang basehan o opinyon lamang, scientific finding ‘yan ng doktor”, pahayag naman ni Atty, Mike Santiago sa panig ng mga inaakusahan.

 

 

Samantala, pakiusap naman ng mga respondents sa ina ni Dacera: ‘Sana ma-realize niyang may 11 ding inang nasasaktan’

 

 

Paliwanag nito, ang medico legal report ay base sa otopsiya na isinagawa sa katawan ni Dacera.

 

 

Hindi raw haka-haka o opinyon lang ang lumabas na resulta dahil bunga ito ng scientific findings ng mga doktor.

 

 

Sinabi rin ni Santiago na ayaw nilang makialam sa findings ng investigating prosecutors dahil tiwala raw ang mga itong susuriin nang maayos ng mga prosecutors ang mga ebidensiya para magkaroon ng patas na resolusyon.

 

 

Dahil dito, hiling ng respondent na si Greg de Guzman na irespeto ang resulta ng medico legal dahil nakipaglaban din umano ang mga ito para lamang mapanatag ang ina ni Christine na si Sharon.

 

 

Umaasa si de Guzman na ma-realize ng ina ni Christine na hindi lamang siya ang nasasaktan dahil 11 ring ina sa ngayon ang nasasaktan at 11 katao ang naiipit dahil sa insidente. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr, SM Group nag ground-breaking ng EDSa busway concourse

    Nagkaron ng ground-breaking ceremony noong May 18 ang pagtatayo ng EDSA busway concourse sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang SM Group na ilalagay sa pinakaabalang langsangan sa Metro Manila.     Sa pamamagitan ng EDSA busway concourse makakamit at matitikman ng publiko ang pagbabago sa EDSA gamit ang concourse. Mas magiging ligtas […]

  • Dingdong, happy and honored na muling maging brand ambassador

    “HAPPY at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakararanas ng pandemya, it makes me grateful,” pahayag ni Dingdong Dantes na pormal ng inanunsiyo bilang brand ambassador ng pinagkakatiwalaang pain reliever brand sa Pilipinas.   Ang brand manager ng Medicol […]

  • Caritas Philippines, kasama sa mag-iimbestiga sa drug war killings sa bansa

    TIWALA  ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuluyan ng mabibigyan ng katarungan ang mga biktima ng war on drugs ng dating administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war killings sa bansa.     Ito ang mensahe ni Caritas Philippines executive director […]