Pamilya Teves, umalma sa pagtukoy sa kanila bilang mga terorista
- Published on August 2, 2023
- by @peoplesbalita
UMALMA si dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves sa pagtukoy sa kanila ng Anti-Terrorism Council bilang mga terorista.
Una rito, sa inilabas na ATC Resolution 43, tahasang binanggit ang mga pangalan nina Rep. Arnulfo Teves, ex-Gov. Pryde Teves, dati nilang bodyguard na si Marvin Miranda at 10 iba pa.
Ayon sa dating gobernador, nalulungkot sila sa development na ito at tiniyak na gagawin ang angkop na legal na hakbang para malinis ang kanilang pangalan.
Sa ngayon, kumukonsulta na umano sila sa kanilang mga abogado para sa susunod na aksyon.
Binigyang diin naman ni Gov. Teves na minsan siyang naging biktima ng terorismo nang may magpasabog sa gusali ng Kamara noong taong 2007, ngunit siya naman ay hindi raw kailanman naging terorista.
Sa ngayon, hindi umano sila nagkakausap ng kaniyang kapatid na si Rep. Arnie, pero inamin nitong tinatawagan siya paminsan-minsan ng suspendidong mambabatas para sa ilang personal concerns. (Daris Jose)
-
KIT, walang problema sa nudity pero ‘di naman gagawa ng ‘soft porn’
HINDI issue kay Kit Thompson ang nudity. Basta gusto raw ang isang project, kahit na ano ang requirement ng role, he will do it. “Nudity is not a problem for me. As long as I like the project and I trust the director, I will do anything that the role requires,” […]
-
Promodiser, 1 pa laglag sa Caloocan drug bust, P2.5M shabu nasamsam
UMABOT sa mahigit P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa mga high value individual (HVI) matapos matimbog sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga suspek na sina alyas “Adrian” 32, promodiser ng […]
-
Magsayo idedepensa ang WBC belt vs Vargas
WALA munang rematch sina reigning World Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark Magsayo at Gary Russell Jr. Ito ay matapos ipag-utos ng WBC ang mandatory title defense ng Pinoy pug laban kay Mexican challenger Rey Vargas. Umaasa ang ilan na magkakaroon agad ng Part 2 ang Magsayo-Russell fight. Subalit […]