Pampublikong transportasyon sa Bulacan, balik operasyon na
- Published on June 25, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Balik operasyon na ang ilang pampublikong transportasyon sa Bulacan kabilang ang mga bus at dyip.
Matapos ang mahigit tatlong buwang tigil pasada, nasa 526 na yunit ng mga dyip at 510 na yunit ng bus ang nabigyan na ng special permit to operate at makapagserbisyo sa publiko.
Sa anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region III sa kanilang opisyal na Facebook account, naglaan sila ng 1,598 na yunit ng dyip sa 26 na ruta sa Bulacan. Mula dito, 526 na ang balik kalsada habang 1,072 na yunit pa ang bukas sa mga nais mag-aplay.
Kabilang sa mga ruta ang Angat-Baliwag via Bustos; Angat-Meycauayan; Angat-Santa Maria; Balagtas-Siling Matanda; Calumpit-Meycauayan; Calumpit-Plaridel; Hagonoy-Mycauayan; Hagonoy-Malolos; Licaw-Licaw-Tungkong Mangga; Bulakan-Malolos; Bulakan-Obando; Malolos-Pulilan; Marilao-San Jose del Monte; Minuyan Sapang Palay-Kaypian; Sampol-Meycauayan; Grotto-Sapang Palay; Sto. Niño-Meycauayan; SJDM-Tungkong Mangga; Baliwag-Meycauayan; Baliwag-San Miguel; Capitol Malolos-Fausta Malolos-Meycauayan; Fatima-Sta. Cruz at Calumpit-Meycauayan.
Inilathala din nila na sa kasalukuyan, may 47 na yunit ng P2P ang balik biyahe sa limang ruta kabilang ang Malolos, Santa Maria o Bocaue, Balagtas, Pandi at Plaridel-North Edsa.
Samantala, sinabi naman ni Billy Tatil, pangulo ng Bulacan Federation of Jeepney Operators and Drivers Association, na nagpapasalamat siya sa ipinagkaloob na permit ngunit hindi pa sila tuluyang makabiyahe dahil sa gastos.
“Talagang one week na nagbibiyahe kaya lang hindi makabiyahe lahat kasi ‘di naman kumikita. Ang nangyayari nalulugi pa sa krudo nauuwi lang sa gastos kaya uuwi na lang. Kaya sana, hinihiling namin sa LTFRB kung pwede itaas ang pamasahe hanggang ganito ang sitwasyon,” pakiusap ni Tatil.
Sinabi din ni Tatil na 16 na PUJs ang patuloy na nagbibigay ng libreng sakay para sa mga Bulakenyong medical frontliner sa Bulacan Medical Center, Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Santa Maria, Plaridel Infirmary, Gregorio del Pilar District Hospital sa Bulakan at Calumpit District Hospital.
Bukod dito, inanunsyo ng Five Star Bus Company sa kanilang Facebook account na nagbibigay serbisyo na sila sa mga pasahero na may biyaheng Cabanatuan-Meycauayan mula alas-5:00, 7:00 at 8:00 ng umaga at pabalik mula alas-12:00, 2:00 ng hapon at alas-10:00 ng gabi; Moncada, Tarlac-Meycauyan, Bulacan mula 6:15 at 7:15 ng umaga at pabalik ng als-3:00 at alas-4:00 ng hapon. May mga bus na rin silang bumibiyahe mula sa Meycauayan-Monumento balikan at may pamasahe na P30.50.
Sa panayam sa telepono, sinabi naman ng Baliwag Transit, Inc. na magsisimula na silang magka-biyahe mula sa San Jose, Nueva Ecija-Meycauayan, Bulacan at may pamasahe na P2.20 kada kilometro na aprubado ng LTFRB.
Sinisiguro naman ni Gob. Daniel R. Fernando ang publiko na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maserbisyuhan ang publiko sa paraang pinakamaganda para sa lahat. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Matapos ang serye ng rollback, presyo ng langis nakaamba na namang tumaas
MAKALIPAS ang halos dalawang buwan, nakatakda ang presyo ng langis para sa panibagong pagtaas, bago ang pagpapatuloy ng mga personal na klase at paghahanda para sa pagdagsa ng mga pasahero na inaasahan sa susunod na linggo. Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.80 kada litro sa susunod na linggo, habang […]
-
LOOKOUT BULLETIN, INISIYU KAY MICHAEL YANG AT 8 IBA PA
INILAGAY ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout bulletin si dating presidential adviser on economic affairs Michael Yang. Si Michael Yang, o kilalang Yang Hong Ming, ay kabilang sa iniimbestigahan ngayon sa Senado dahil sa maanomalyang pagbili ng mga health supplies nitong pandemic. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang […]
-
Ads June 10, 2020