• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panaga: Season-high in Blocks while mom watching

Naghatid si Jeanette Panaga ng inspiradong performance para itulak ang Creamline sa 25-22, 22-25, 25-5, 25-19 na panalo laban kay Chery Tiggo sa kanilang 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference best-of-three Battle for Third series.

 

 

Ang 6-foot middle blocker ay nagrehistro ng 14 puntos sa siyam na blocks para pamunuan ang All-Filipino Cool Smashers matapos na hindi maisama ang Turkish import na si Yeliz Basa.

 

 

Gustong magpakita ni Panaga dahil pinanood siya ng live ng kanyang ina na si Annie sa unang pagkakataon na naka-Creamline jersey.

 

 

“Sobrang nainspire ako and sobrang happy ako na pumunta siya dito sa game. Hindi niya pa alam na hindi kami nakapasok ng Finals sabi ko ‘Ma, hindi kami nakapasok ng Finals’ pero sabi niya ‘Nak, manonood ako for you’,” said Panaga sa panayam sa TV postgame habang naka-pan ang camera sa kanyang ina sa tabi ng kanyang girlfriend na si Michelle Morente.

 

 

“She means a lot to me talaga so grabe, sobrang nainspire ako kapag nanonood ‘yung nanay ko.”

 

 

Ang kanyang blocking output na siyam ay tumugma din sa season-high na naitala ni Rose Doria sa 17-25, 20-25, 27-25, 25-22, 15-5 na panalo ng Cignal laban sa PLDT sa Invitational Conference.

 

 

“Ha? Ako ba? Totoo? this season?,” said the shocked Panaga upon learning she got that record. (CARD)

Other News
  • PBBM, nagbigay-pugay kay Hidilyn Diaz

    MULI na namang nagpamalas ng natatanging galing ang kauna-unahan nating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships na isinagawa sa Bogotá, Colombia.     “Kaisa ko ang buong bansa sa pagbibigay pugay sa iyo, Hidilyn, sa patuloy mong pagsusumikap upang magsilbing inspiration sa […]

  • Mga doktor nabahala sa paglobo ng pertussis

    LUBHANG nababahala ang Philippine College of Physicians (PCP) sa pagtaas ng mga kaso ng pertussis o whooping cough sa Pilipinas.     Sa unang 10 linggo nitong taon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit sa 500 kaso ng nasabing sakit kung saan 40 ang nasawi at idineklara ang outbreaks sa Quezon City, Pasig […]

  • 38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa – OCTA

    NANINIWALA ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.     Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023.     Bumaba naman sa 8% noong […]