• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panalo ni BBM tiniyak ng political families

NAGSANIB-puwersa ang mga kinikilalang political families sa lalawigan ng Leyte upang tiyakin ang panalo ni presidential bet Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr. at ng UniTeam Alliance sa darating na halalan sa Mayo.

 

 

Sa pagbisita ng UniTeam sa Ormoc City noong Sabado, nagkaisa ang maiimpluwensyang angkan na ibuhos ang suporta kay Marcos na tinaguriang “anak ng Leyte.” Ang pamilya ng ina ni Marcos na si dating unang ginang Imelda Marcos ay tubong Tacloban, Leyte.

 

 

Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, tumulak ang UniTeam sa Ormoc upang makipag-pulong sa halos 500 local leaders na pinangungunahan ng pamilya Larrazabal, Codilla, Aviles, Fiel, Aparis, Mendoza, Pepito, Santiago, Tugunon at Chu. Bukod sa kanyang mensahe ng pagkakaisa, nagpasalamat si Marcos sa pagbuhos ng suporta ng mga Leyteño.

 

 

Ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio “Goyo” Larrazabal, kandidato pagka-kongresista sa ika-apat na distrito ng Leyte, buo ang kanilang suporta kay Marcos. “Itinuturing namin siyang kapamilya dahil tunay siyang anak ng Leyte,” diin niya.

 

 

Ani Larrazabal, nagdesisyon siyang sumabak sa pulitika upang isulong ang pagbabago at mga adbokasiya sa kanyang distrito. Kasama niyang tumatakbo bilang mayor ng Ormoc City si dating mayor Edward “Ondo” Codilla. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Pres. Biden magpapadala ng COVID-19 vaccines sa India

    Inaayos na raw ni U.S. President Joe Biden ang mga ipapadalang coronavirus vaccines sa India.     Kasabay na rin ito ng paghihirap na nararanasan ngayon ng nasabing bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso doon ng nakamamatay na virus.     Ginawa ng Democratic president ang anunsyong ito matapos sabihin ng Estados […]

  • 12 drug suspetcs timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas

    ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo […]

  • VICE, nilinaw na walang galit sa mga artistang lumilipat ng ibang network

    NILINAW ni Vice Ganda na wala siyang galit sa mga artistang lumilipat ng ibang network tulad nga ng naging issue sa kanya recently kung saan ay naging kontrobersyal ang sinasabing tweet niya na pinabulaanan naman niya agad.          “Hindi kami galit sa mga lumilipat katulad ng pinapalabas n’yong tsimis sa social media. Hoy […]