Panawagan na tanggalin ang pondo ng Anti-Insurgency Task Force, hindi makatarungan – Malakanyang
- Published on April 27, 2021
- by @peoplesbalita
PARA sa Makanyang, hindi makatarungan na alisan ng pondo ang national anti-community task force.
“Sa akin po hindi naman po justified. Hayaan nating gawin nila ang katungkulan nila,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kaya nga, hayagang binasura ng Malakanyang ang panawagan ng mga senador na tanggalin ang pondo ng anti-insurgency task force na mayroong P19-billion allocation sa ilalim ng 2021 budget.
Giit ng Malakanyang, mapakikinabangan naman ito ng taumbayan.
Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa panawagan ng ilang senador na alisin ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa red-tagging sa mga organizers ng community pantries.
Nauna rito, kapuwa inakusahan nina NTF-ELCAC spokesman Police Lieutenant General Antonio Parlade, Jr. at Assistant Secretary Lorraine Badoy si Ana Patricia Non — isa sa mga organizers ng Maginhawa community pantry — bilang komunista.
Inihalintulad ni Parlade si AP Non kay Satanas “offering an apple to Eve,” habang si Badoy naman ay hindi malaman kung saan napunta ang P1 bilyong halaga ng donasyon sa Maginhawa community pantry.
“Iyong pondo po ay para sa mga proyekto na magbigbigay asenso sa mga lugar na meron pang rebelde,” ayon kay Sec. Roque.
“Hindi naman po justified ‘yan [pagtanggal ng pondo],” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Sa ulat, sinimulan ng AP Non ang community pantry sa kahabaan ng Maginhawa St., Quezon City na nagsilbing inspirasyon naman sa iba para magbigay ng libreng pagkain sa mga nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic at quarantine restrictions na dahilan para mawalan ng hanapbuhay ang mga tao. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Speaker Romualdez, Tingog itinulak agarang pagbibigay ng P20M ayuda sa mga nasunugan sa Tondo
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., itinulak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Tingog Partylist ang agarang pagpapalabas ng P20 milyong halaga ng cash assistance para sa may 2,000 pamilyang nasunugan sa Barangay 105 Aroma sa Tondo, Manila noong Sabado. Ang tig-P10,000 tulong sa bawat pamilyang nasunugan ay kukunin sa […]
-
Ads May 30, 2022
-
Dahil na-deny ang apela sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’: Nagagalit kay MTRCB Chair LALA, mas lalong dumami
MAS lalong marami ang nagagalit ngayon kay Chairwoman Lala Sotto ng MTRCB. Ang dahilan, dahil sa ang naging decision pa rin ng MTRCB ay tuloy ang 12 airing days suspension ng It’s Showtime. At denied ang Motion for Reconsideration na hinain ng It’s Showtime. Nakakausap namin si Chair Lala kaya alam […]