• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS

Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan!  Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride! 

 

 

 

Ang rason ay 99 percent risk reduction daw ng Covid-19 cases kapag may ganito at naka social distance ang nga tao. Pero bakit ngayon lang naisip ito? Ilang buwan na ang nakaraan? Aba, akalain mo na 99 percent reduced risk – halos zero na ah!

 

 

 

Malaking proteksyon ito. Pero bakit ngayon lang? Sa ibang bansa ba na mababa ang positibo sa Covid-19 may ganitong requirement sa mga pampublikong sasakyan? O sa atin lang ‘to? Ang malungkot, kaka-anunsyo pa lang ay sinamantala na agad ng mga taong gustong pagkakitaan ang bagay na ito.

 

 

 

Nagka-hoarding na ng supply at tumaas presyo ng face shields. Parang nung dati sa alcohol at face mask – libu-libo ang umoorder at milyong piso ang transaksyon.  Kaya naman una nang sinabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na kung may magmamagandang loob ay magpamahagi na ng libreng face shield at bantayan din ng DTI ang presyo ng commodity na ito at siguruhin ang supply na maging available naman sa lahat sa tama at totoong presyo bago istriktongs ipatupad ito ng DOTr dahil ang hirap na nga ng public transportation hindi pa makakasakay dahil walang face shield.

 

 

 

Hindi rin magaan sa bulsa ito sa ordinaryong pamilya dahil kung may tatlo o apat sa pamilyang namamasahe at hindi lang isa ang bibilhin na face shield ay magastos din. Marami rin nagtanong kung huhulihin sila pag walang face shield. Hindi po.

 

 

 

Ang polisiya ay galing sa DOTr at para lang sa mga pasahero. Kaya kung naglalakad ka lang hindi kailangan yun. Pero baka naman may makaisip na lagyan ito ng penalty ng multa tulad ng face mask at barrier sa motor? Utang na loob naman. Pero diba at lahat tayo ay maituturing na commuter?

 

 

 

At kahit hindi ka sumasakay sa public transport kung 99 per cent reduced risk nga ay bakit hindi ka magsusuot? So marahil dahil dito ay magiging parte na ng new normal ang face mask, social distance at face shield para sa lahat. Sabi nga ng iba – bakit hindi PPE na ang i-require?

 

 

 

Aba mahirap yan!  Ganumpaman mainam na marinig natin ang opinyon ng mga medical experts sa effectiveness ng face shield laban sa Covid 19. Para malaman ng lahat na mahalaga ito at malaking tulong nga. At kung hindi naman ay malaman na rin ng tao ang detalye at dahilan para hindi magmukhang negosyo lamang ang polisiyang ito. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Malakanyang, kinlaro sa publiko na hindi lahat ay masasaklaw ng libreng bakuna sa COVID -19

    NILINAW ng Malakanyang na hindi libre sa lahat ang bakuna sa COVID 19 at ito’y sa sandaling may maangkat na ang pamahalaan na vaccine kontra sa virus.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga pinakamahihirap lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna habang ang mga may kakayahan namang makapagbayad ay hindi kasama sa […]

  • Dahil mas slim na ngayon ang katawan niya: AIKO, napagkamalan ng netizens na siya ang anak na si MARTHENA

    DAHIL sa mas slim na katawan ni Aiko Melendez ngayon, napagkamalan siya ng netizens na ang anak niyang si Marthena.   Nag-post ang actress and Quezon City councilor sa kanyang Instagram na naka-denim shorts at red top habang nasa isang resort ito sa Pangasinan.   Kitang-kita ang malaking ipinayat ni Aiko kaya naman inakala ng […]

  • Rockets sabog sa Lakers

    Pinabagsak ng Los Angeles Lakers sa  pangunguna ng super tandem nina LeBron James at Anthony Davis ang nanghihinang Houston Rockets, 110-100, sa Game 4 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinals series na ginaganap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida. Hindi na pinaporma ng Lakers ang Rockets simula 1st quarter hanggang 4th […]