• April 1, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ng Tsina na paghahanda para sa sea row; walang bago-PBBM

WALANG bago sa naging panawagan ni Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan para sa paghahanda para sa mga military conflicts sa karagatan.
”Well frankly I don’t think there is anything new there. That’s what they’ve been doing already. They have defined the 10-dash line and they continue to defend it. For our part, we will continue to defend what we…. and the international community has recognized it as our maritime territory,” ayon kay Pangulong Marcos.
”Although he did not, President Xi Jinping did not state that outright until now, that really has really been the policy since I think years already, for the last two or three years. So, I’m not surprised but we will have to continue to do what we can to defend our maritime territory in the face of perhaps of a more active attempt by the Chinese to annex some of our territory,” dagdag na wika nito.
Kamakailan ay nanawagan si Xi sa Chinese military na protektahan ang mga karapatan at interes ng China sa karagatan.
Kinailangan aniyang bumuo ng sistema ng pagtatanggol sa cyberspace at pagbutihin ang kakayahang mapanatili ang seguridad ng national network security.
Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na hindi binabasura ng Pilipinas ang panukala ng Tsina na lutasin ang usapin sa South China Sea subalit kinukuwestiyon ang premise ng Tsina base sa 10-dash-line map.
Samantala, sa isang joint press conference kasama si German Chancellor Olaf Scholz, ipinahiwatig ni Pangulong Marcos na patuloy na kinukuwestiyon ng Pilipinas ang historical claims ng Tsina.
Matatandaang, kinatigan ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ang reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China hinggil sa pag-aangkin ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Batay sa 500 pahinang desisyon ng Arbitral Court, sinasabing walang basehan ang historical rights ng China hinggil sa pag-aangkin nito ng teritoryo sa naturang karagatan.
Nilabag din ng China ang sovereign rights ng Pilipinas alinsunod sa itinatakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS kung saan nakapaloob ang exclusive economic zone o EEZ. (Daris Jose)
Other News
  • ‘Salum’ at ‘Champ Green’ waging-wagi  sa Puregold CinePanalo 2025: KHALIL, panalong Best Actor ka-tie si JP at si RUBY ang Best Actress

    ANG Hiligaynon full-length film na ‘Salum’ sa direksyon ni TM Malones at Mindanaoan short film na ‘Champ Green’ ay waging-wagi sa ikalawang edisyon ng wildly successful na Puregold CinePanalo Film Festival.  Sa awarding ceremony, na ginanap noong Marso 19 sa The Elements, Eton Centris sa Quezon City, nag-uwi ang ‘Salum’ ng apat na Puregold CinePanalo […]

  • Malakanyang, binalaan ang mga pasaway na pulis na ginagamit ang baril sa pagsalubong ng Bagong Taon

    NANAWAGAN ang Malakanyang at binalaan ang mga pasaway na pulis na itago na lamang ang kanilang baril at huwag tangkain na gamitin bilang pagpasalubong sa pagpasok ng Bagong Taon. “Eh kung pinagbabawal po ang karamihan sa mga paputok eh bakit naman gagamitin ang baril. ang bala ng gobyerno po ay ara sa pagpapatupad lamang ng […]

  • Ultimatum sa 7 OVP officials: Dumalo o aresto

    DUMALO o aresto! Ito ang ipinalabas na ultimatum ng House Committee on Good Government and Public Accountability laban sa mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na inisyuhan ng subpoena para du­malo sa nakatakdang pagdinig ng komite ngayong Lunes, ­Nobyembre 11.     Ang House Blue Ribbon ay nag-iimbestiga sa umano’y maling paggamit […]