Panawagan sa mga kandidato, huwag gamitin ang bagyo sa pamumulitika
- Published on December 23, 2021
- by @peoplesbalita
UMAPELA si Transportation Secretary Art Tugade sa mga political aspirants na huwag gamitin sa pamumulitika ang relief operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Odette”.
Aniya, tinutulungan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga naapektuhan ng bagyong Odette ng walang “publicity.”
Aniya, tumutulong ang DOTr sa typhoon-affected areas ng walang publisidad at hindi aniya kagaya ng ibang “political aspirants” na aniya’y sinasamantala ang situwasyon para sa kanilang “election campaigns” sa 2022.
“Let us stop politicizing the aftermath of Odette. ‘Wag na nila ibandera kung sino ang naunang gumawa […] Hindi dapat mamulitika. This is one time na dapat ay magsama-sama tayo […] Habang nagdadaldal ang marami, ang DOTr, gumagawa ng tahimik,” ayon kay Tugade.
“Ang DOTr, kasama ang aming mga attached agencies, ay nagsagawa ng pre-emptive measures bago pa man humagupit ang Odette. Nandoon kami bago tumama, habang tumatama, at matapos tumama ang Odette sa Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, inilagay naman ng DOTr ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa high alert sa paghahanda para sa bagyong “Odette.” (Daris Jose)
-
P6.8 MILYON HALAGA NG DROGA, NASAMSAM SA 3 KABABAIHAN NA TULAK SA CAVITE
TATLONG kababaihan na hinihinalang tulak ang binitbit ng Cavite Police at nasamsam sa kanila ang mahigit P6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Gen Trias City, Cavite Miyerkules ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Eman Bongcarawan y Mabandus, alyas “Eman”, 29, isang Lesbian; Norhanah Dirampatin y Didaagun, […]
-
DA, tinitingnan ang P80/kg presyo ng sibuyas ngayong taon
TARGET ng Department of Agriculture (DA) na ibaba ang presyo ng sibuyas ng P80/kg per kilo mula sa P170 per kilo ngayong taon. Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista na inaasahan nila ang “better supply” ng local onion harvest ngayong taon lalo pa’t hindi nila kinokonsidera ang pag-angkat noong […]
-
Terence Crawford, looking forward pa rin na makaharap si Pacquiao
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si reigning WBO world welterweight champion Terence Crawford na makaharap si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao. Sinabi nito ng kung hindi lamang sa naranasang coronavirus pandemic ay natapos na ang kontrata. Sakaling hindi aniya siya mapili ng fighting senator ay handa itong harapin ang sinumang nasa 147 […]