Panawagang tambalang Duterte-Duterte sa 2022 presidential election, hindi galing sa gobyerno-Sec.Roque
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI nanggaling sa administrasyong Duterte ang panawagan na Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential polls.
Lumutang kasi ang ticket na Davao City Mayor Sara Duterte para sa pagka-pangulo habang ang kanyang ama naman na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, bilang kanyang running mate.
“Hindi po galing sa gobyerno yang Duterte-Duterte,” pagtiyak ni Sec. Roque.
Aniya ang pagpapahayag ng personal na opinyon ay hindi dapat na ihayag o ipakahulugan bilang official position.
“Kung merong mga taong gobyerno na nag-e-express, ‘yan po ay personal na opinyon po nila,” giit ni Sec. Roque.
Aniya, ang marching orders aniya ng Pangulo ay tugunan ang nagngangalit na COVID-19 pandemic na nagresulta ng pagkamatay ng 12,000 katao at mahigit 4 na milyong nawalan ng hanapbuhay.
Kahapon ay tinawag ng Pangulo si Senator Bong Go bilang President. Tinatayang tatlong beses na niyang tiawag si Go ng President habang hinikayat naman nito si Labor Secretary Silvestre Bello III na tumakbo sa pagka-senador.
Sa ulat, kakain ng alikabok ang magtatangkang lumaban sa “Duterte-Duterte” tandem sa 2022 National Elections.
Ito ang binigyang diin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo makaraan niyang sabihin na nais niyang tumakbo bilang Bise Presidente si Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang ang anak naman ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte ang tatakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan.
Sinabi pa ni Sec. Panelo na hindi mag-o-overstay si Pangulong Duterte sa Malakanyang at tatapusin niya ang kaniyang termino sa kabila ng mga isyu sa kanyang kalusugan.
Binigyang diin nito na walang sinumang makatatalo kapag nag-tandem na ang mag-amang Duterte.
Sa katunayan, nangyari na aniya ito nang magsilbi noon si Pangulong Duterte bilang Bise Alkalde ng Davao City habang Alkalde naman si Inday Sara mula 2010 hanggang 2013.
May pagkakataon ding sinabi ni Sec. Panelo kay Mayor Sara na parehas sila ng tatahaking landas ng kaniyang ama. (Daris Jose)
-
Presyo ng bigas sa world market apektado sa price cap ni Marcos
TAHASANG sinabi ni House Speaker Ferdinand Romualdez na bahagyang naapektuhan ang presyo ng bigas sa world market matapos pirmahan noong biyernes ni pangulong Marcos ang Executive Order 39 na nagtatakda sa presyo ng bigas sa bansa. Batay sa US-based company na Markets Insider, bumaba ng 21% ang presyo ng bigas sa pandaigdigang kalakalan […]
-
Veteran Bata Reyes, mga pambato ng billiards ng PH patuloy ang pamamayagpag sa SEAG
TIYAK na ang bronze medal sa 31st Southeast Asian Games ni veteran cue artist Efren “Bata” Reyes Ito ay matapos na magwagi siya laban kay Suriya Suanasing ng Thailand 65-58 sa carom tournament. Sa unang bahagi ng laro ay humahabol pa ang Filipino billiard legend hanggang sa makuha niya ang kalamangan. […]
-
MAHARLIKA FUND, MAGIGING FLOODGATES OF CORRUPTION
MAGDUDULOT lamang ng katiwalian at maapektuhan ang benepisyo ng mga SSS at GSIS member lalu na ang pensyon ng senior citizens. Ito ang pangamba ni Father Noel Gatchalian, chairman ng Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa panukalang pagsusulong ng House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act. […]