• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANCHO at MAX, parehong dedma sa nagtatanong kung naghiwalay na

FEELING namin, hindi na rin magtatagal at magsasalita na rin ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno sa totoong estado ng relasyon nila.

 

 

Si Pancho ay kasalukuyang napapanood sa GMA Telebabad na First Yaya at si Max naman, ang dating pinagbidahang serye na Innamorata ay muling mapapanood at ipalalabas sa GMA Afternoon Prime after ng Karelasyon simula sa Lunes, May 24.

 

 

Bukod dito, magsisimula na rin siya ng lock-in taping para sa bagong serye kasama sina Carla Abellana at Rocco Nacino, ang To Have and To Hold.

 

 

Halos tatlong taon pa lang nang ikasal silang dalawa noong December 2017 at wala pang isang taon ang anak nila na si Skye, pero ilang buwan na rin na napapansin nga ng mga netizens na tila hindi na sila magkasama sa kanilang mga social media accounts.

 

 

Ang dami na rin nagtatanong talaga kung hiwalay na ba silang dalawa, pero parehong dedma lang sina Pancho at Max sa mga nagtatanong.

 

 

Kaya siguro, kapag humarap na sila sa press, kahit via online lang ito, posibleng yun na ang time na masasagot na nga nina Pancho at Max ang tanong kung hiwalay na nga ba sila.

 

 

***

 

 

TINULDUKAN na ni Jak Roberto dahil para rito, nahanap na niya ang kanyang “the one.”  

 

 

At ito nga ay walang-iba kung hindi ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.

 

 

Going stronger ang kanilang relasyon kunsaan, nag-celebrate sila ng kanilang ika-4th year anniversary as girlfriend/boyfriend.

 

 

Sabi ni Jak sa kanyang Instagram post ng pagbati, Too many to mention mahal ko. Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang THE ONE, salamat sa pag intindi at salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin! Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!!!”

 

 

Punong-puno rin naman ng pagmamahal ang pagbati ni Barbie sa boyfriend.

 

 

Sey naman ni Barbie, “Four years.
“Four years na kitang kasama.
“Four years na tayong nagtatawanan.
“Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema.
“Four years na tayong nagsspicy noodles.
“Four years na tayong masaya.
“FOUR YEARS NA AKONG MASAYA.
“Sana FOUREVER na.”

 

 

Aba, mukhang sa solid na relasyon nila, ‘di nga malayong sila na ang “the one” at “forever” ng isa’t-isa.

 

 (ROSE GARCIA)

Other News
  • Kamara, magsasagawa ng espesyal na pagdinig hinggil sa oil price hikes

    NAKATAKDANG magsagawa ng espesyal na pagdinig ang House of Representatives sa darating na Marso 9, sa susunod na linggo.     Ito ay may kaugnayan pa rin sa nakaka-alarmang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.     Ayon kay Ways and Means Committee chairperson at Albay Representative Joey Salceda, tatalakayin sa […]

  • Abu Dhabi Crown Prince kay PDu30: UAE gov’t will take care of OFWs

    NANGAKO si Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan na iingatan ng kanyang gobyerno ang mga Filipino national na naninirahan at nagta-trabaho sa United Arab Emirates (UAE).     Ang pahayag na ito ng Crown Prince ay naipabot kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng phone call.     Ni-renew kasi […]

  • Kahanga-hanga ang tapang sa pagsagot sa mga isyu: CARLA, muling binanggit na matagal ng wish na makatrabaho si PIOLO

    HANGANG-HANGA kami sa Kapuso Primetime Goddess na si Carla Abellana na buong tapang na sinagot ang mga tanong na ibinato sa kanya ng entertainment press na dumalo sa bonggang contract signing para sa bago niyang talent management, ang All Access to Artists, Inc. (Triple A).     Bihira na kasi ngayon sa mga mediacon na […]