• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANCHO at MAX, parehong dedma sa nagtatanong kung naghiwalay na

FEELING namin, hindi na rin magtatagal at magsasalita na rin ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno sa totoong estado ng relasyon nila.

 

 

Si Pancho ay kasalukuyang napapanood sa GMA Telebabad na First Yaya at si Max naman, ang dating pinagbidahang serye na Innamorata ay muling mapapanood at ipalalabas sa GMA Afternoon Prime after ng Karelasyon simula sa Lunes, May 24.

 

 

Bukod dito, magsisimula na rin siya ng lock-in taping para sa bagong serye kasama sina Carla Abellana at Rocco Nacino, ang To Have and To Hold.

 

 

Halos tatlong taon pa lang nang ikasal silang dalawa noong December 2017 at wala pang isang taon ang anak nila na si Skye, pero ilang buwan na rin na napapansin nga ng mga netizens na tila hindi na sila magkasama sa kanilang mga social media accounts.

 

 

Ang dami na rin nagtatanong talaga kung hiwalay na ba silang dalawa, pero parehong dedma lang sina Pancho at Max sa mga nagtatanong.

 

 

Kaya siguro, kapag humarap na sila sa press, kahit via online lang ito, posibleng yun na ang time na masasagot na nga nina Pancho at Max ang tanong kung hiwalay na nga ba sila.

 

 

***

 

 

TINULDUKAN na ni Jak Roberto dahil para rito, nahanap na niya ang kanyang “the one.”  

 

 

At ito nga ay walang-iba kung hindi ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.

 

 

Going stronger ang kanilang relasyon kunsaan, nag-celebrate sila ng kanilang ika-4th year anniversary as girlfriend/boyfriend.

 

 

Sabi ni Jak sa kanyang Instagram post ng pagbati, Too many to mention mahal ko. Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang THE ONE, salamat sa pag intindi at salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin! Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!!!”

 

 

Punong-puno rin naman ng pagmamahal ang pagbati ni Barbie sa boyfriend.

 

 

Sey naman ni Barbie, “Four years.
“Four years na kitang kasama.
“Four years na tayong nagtatawanan.
“Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema.
“Four years na tayong nagsspicy noodles.
“Four years na tayong masaya.
“FOUR YEARS NA AKONG MASAYA.
“Sana FOUREVER na.”

 

 

Aba, mukhang sa solid na relasyon nila, ‘di nga malayong sila na ang “the one” at “forever” ng isa’t-isa.

 

 (ROSE GARCIA)

Other News
  • MIF, behikulo para maka- attract ng resources para sa social, economic development-Balisacan

    SUPORTADO ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang  Maharlika Investment Fund (MIF).     “With the Marcos Administration’s Economic Team members, I reiterate my strong support for creating the Maharlika Investment Fund as a complementary vehicle to help us attain the objective of rapid but inclusive and sustainable economic development,” ayon kay Balisacan sa isang […]

  • Magbigay ng ₱3,000 extra pay sa mga gurong apektado ng VCM issues

    HINIKAYAT ng Department of Education ang Commission on Elections na bayaran ang mga teaching at non-teaching personnel na nagbigay ng kanilang extra work nito lamang katatapos na halalan sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na nakipag-ugnayan na sila sa Comelec sa bagay na ito at ipinanukala ang karagdagang bayad na ₱3,000. […]

  • Ads April 5, 2022