Pang-5 housing project sa Maynila, sinimulan na
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
Inumpisahan na ang konstruksyon ng ikalimang housing condominium project sa San Andres Bukid, Maynila na layong mabigyan ng permanenteng bahay ang mga ‘informal settlers’ at nangungupahan sa lungsod.
Sa kabila na bagong galing pa lamang sa COVID-19, sabak agad sa trabaho si Manila City Mayor Isko Moreno sa pangunguna sa ‘groundbreaking ceremony’ ng 20-palapag na itatayong gusali na tatawaging Pedro Gil Residences.
“Habang busy tayong tumatakas sa pandemya, kailangan tuloy ang ating mga pangarap. Nakakapagod. Pero hindi baleng pagod basta makita kong nakangiti kayo masaya na ako,” ayon kay Moreno sa kaniyang talumpati.
Tampok sa Pedro Gil Residences ang 309 residential units na may sukat na 40 sqm. at may dalawang kuwarto, 125 parking slots, health center, limang elevators, swimming pool, activity lawn, function room, fitness center, roof garden sa ikaanim na palapag, limang units ng espasyo na maaaring rentahan, outdoor activity area sa 7th, 13th, at 18th floors at isang basketball court sa roof deck nito.
Nauna nang inumpisahan ang konstruksyon ng San Lazaro Residences nitong nakaraang buwan habang target na matapos na ang konstruksyon ng mga naunang pabahay na Tondominium 1 at 2 at maging ang Binondominium ngayong taon.
-
Pumanaw na after makipaglaban sa sakit… Iconic na boses ni MIKE, mami-miss at ‘di na maririnig
PUMANAW na ang veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez noong nakaraang August 29 sa edad na 71. Nakilala si Mike dahil sa pagiging lead anchor ng mga news and public affairs program ng GMA-7 na Saksi, 24 Oras, Super Radyo DZBB at Imbestigador. Higit na 50 years na sa news broadcasting career ni […]
-
VACC at mga biktima ng Dengvaxia, dismayado sa QC Court
NAGLABAS ng hinanakit at galit ang mga magulang ng mga batang pumanaw sa dengvaxia vaccine matapos matanggap ang kautusan ng hukom na humahawak sa kanilang kaso. Ito ay matapos na atasan ni Quezon City court Branch 229 Judge Maria Luisa Leslie Gonzales-Betic ang mga state prosecutor na pag-isahin na lamang ang 35 kasong […]
-
JM, nanahimik dahil naging abala sa walong buwan na military training
TSINUGI na sa cast ng GMA teleserye na Owe My Love si Mystica dahil diumano sa attitude problem nito. Ayon sa production, marami raw demands si Mystica at sunud- sunod ang kanyang reklamo sa lock-in taping schedule, sa pagkain at pati ang kasama niya sa kuwarto na si Kiray Celis ay pinag-initan niya. Nireklamo […]