Pangakong P10B ni PDu30, huhugutin sa calamity, contingency fund, 2022 GAA —DBM
- Published on December 28, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na may paghuhugutan na ang P10-billion aid para sa mga biktima ng bagyong Odette na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“For the P10 billion which the resident mentioned, the P2 billion is already available under the NDRRMF which is the long name of the calamity fund,” ayon kay DBM acting secretary Tina Canda sa Palace briefing.
Ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) o calamity fund ay lump-sum appropriation na nakalaan para sa “aid, relief, and rehabilitation” para sa mga lugar na hinagupit ng human-induced at natural calamities.
Sinabi ni Canda na mayroong P4 bilyong piso ang natitira sa ilalim ng P20-billion NDRRMF para sa taong 2021.
“The next P2 billion is available under the President’s contingent fund,” anito.
Matatandaang, nangako si Pangulong Duterte na mangangalap ng P10 bilyong piso para sa rehabilitation at recovery efforts sa typhoon-affected areas, ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles.
Ang pangakong ito ng Pangulo ay matapos niyang ihayag na ubos na ang pondo dahil sa COVID-19 pandemic.
“The remainder P6 billion will be available in a couple of days once the GAA (General Appropriations Act) is signed for 2022,” ani Canda.
“When is it going to be signed? We expect the 2022 budget measure will be signed before the year ends so it’s between after Christmas until the 29th these are the days that are open,” dagdag na pahayag ni Canda. (Daris Jose)
-
Para sa dokumentaryong ‘Mata sa Dilim’: ‘The Atom Araullo Specials’, wagi ng Best Current Affairs Program sa ContentAsia Awards
MULING itinaas ang watawat ng Pilipinas sa multi-awarded documentary program ng GMA Public Affairs na “The Atom Araullo Specials” nang manalo ito ng “Best Current Affairs Program made in Asia for Regional Asia and/or International Markets” sa ContentAsia Awards ngayong taon para sa dokumentaryong “Mata sa Dilim.” Unang ipinalabas noong 2022, ang nanalong […]
-
China, ibinasura ang ‘unwarranted accusation’ ng Pinas ukol sa fishing ban
IBINASURA ng China ang “unwarranted accusation” o protesta ng gobyerno ng Pilipinas laban sa unilateral imposition nito sa fishing ban sa mga lugar na extended sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na ang naging deklarasyon ng Beijing na fishing ban, na naging epektibo noong Mayo 1 […]
-
VCMs at mga balotang gagamitin sa May 9 polls, nai-deliver – Comelec
NAI-DELIVER na sa lahat ng polling precincts ang mga vote counting machines (VCMs) at official ballots na gagamitin sa May 9 elections. Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na maliban sa mga VCMs at balota ay naipadala na rin ang mga ballot boxes, Broadband Global Area Network at Consolidated Canvassing System (CSS) kits […]