• April 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangandaman, kumpiyansang mabilis na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025

KUMPIYANSA si Budget Secretary Amenah Pangandaman na agad na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025.

 

 

“Thus, we are confident about the immediate passage of the proposed national budget for next year so that we can continue implementing programs and initiatives for the welfare of our people,” ayon sa Kalihim.

 

 

Nauna rito, pinasalamatan ni Pangandaman sina Senate President Francis Escudero at House Speaker Martin Romualdez dahil pinansin ng mga ito ang kahilingan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipasa sa tamang oras ang panukalang 2025 budget.

 

Kamakailan lang ay inaprubahan ng Mabang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill (HB) 10800 o 2025 General Appropriations Bill (GAB), isang araw matapos na seripikahan ni Pangulong Marcos na urgent ang naturang batas.

 

Kasunod ng pagpapasa sa Kongreso, ang 2025 GAB ay dadalhin sa Senado para mas basahin at himayin pa.

 

Pinasalamatan naman ni Pangandaman ang mga kongresista para sa pagpapasa sa panukalang 2025 national budget.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Senate Finance Committee chairperson Grace Poe na ang committee hearings sa 2025 GAB ay

 

 

ira-wrapped up sa Oktubre 18, bago pa ang All Saints’ Day at All Souls’ Day break.

 

Winika pa ni Poe na matapos ang committee hearings at transmittal ng GAB sa Senado, sisimulan naman ng panel ang paghahanda para sa committee report para sa plenary deliberations sa Nobyembre 4.

 

Matatandaang, araw ng Martes nang sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Marcos ang pagsasabatas ng GAB “to ensure the uninterrupted operation of critical government functions, guarantee the allocation of fiscal resources for vital initiatives, and enable the government to adeptly respond to emerging challenges.”

 

Ang 2025 National Expenditure Program, tinurn over ng DBM sa Kongreso noong July 2024 ang magsilbi bilang basehan para sa GAB. (Daris Jose)

Other News
  • Magdadala ng emosyon at excitement sa ‘Ang Himala ni Niño’: CEDRICK at ZION, hatid ang kakaiba nilang husay sa pag-arte

    PATULOY na inaabangan at tinatangkilik ang bagong family drama ng TV5 na Ang Himala ni Niño.   Kuhang-kuha ng kwento ang puso ng mga manonood, lalo na dahil sa husay ng batang bida nito na si Zion Cruz. Inaabangan naman ang pagpasok ng award-winning actor na si Cedrick Juan sa naturang serre.   Siguradong magdadala […]

  • P8.51B SPORTS FACILITIES PROJECT SA SEA GAMES, PINAIMBESTIGAHAN NI DE LIMA

    PINAIMBESTIGAHAN ni Senador Leila De Lima ang posibleng iregularidad sa P8.51 bilyong sports facilities project na ginamit ng bansa sa hosting ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games dahil nagdagdag ng gastusin ang pamahalaan.   Sa paghahain ng Senate Resolution No. 555, sinabi ni De Lima na kailangan nang imbestigahan ang iregularidad na bumalot sa Joint […]

  • PALAWAN, BAHAGI NG PILIPINAS- DR. GOITIA

    NANINDIGAN ang Chairman Emeritus ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) na maituturing na paglapastagan  sa soberanya  ng Pilipinas ang  pangangamkam ng Tsina sa Palawan na maituturing na bahagi ng Pilipinas batay sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International Maritime Law o Law of the Sea. “Importante sa bawat Pilipino ang katapatan […]