Pangangalaga at pagprotekta sa kulturang pamana: ‘Devil Statue’ binalik na ng Malabon LGU sa Tugatog
- Published on November 2, 2024
- by @peoplesbalita
Pangangalaga at pagprotekta sa kulturang pamana: ‘Devil Statue’ binalik na ng Malabon LGU sa Tugatog Cemetery.
SA isang pangako na pangalagaan at protektahan ang mga likhang sining at ari-arian na may makabuluhang halaga sa kasaysayan at kultura, pinabilis ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagbabalik ng “The Devil and St. Michael the Archangel” estatwa sa Tugatog Public Cemetery (TPC), sa oras ng Undas 2024.
“Ating pinapahalagahan ang mga gawang sining, imprastraktura, lugar, at iba pang mga likha na bahagi ng ating kasaysayan, kultura, at tradisyon. Kaya sinisikap natin na mapangalagaan at maprotektahan ang mga ito. Ang ‘The Devil and St. Michael, the Archangel’ statue ay siyang nagpatanyag sa pampublikong sementeryo na kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos. Ngayong Undas ay sinikap nating maibalik ito kasabay ng muling pagbubukas ng ilang bahagi ng sementeryo,” ani Dr. Alexander Rosete, Malabon City Administrator.
Ang estatwa iconic na ito na nasa entrance ng TPC ay naglalarawan ng devil na nagtatagumpay kay St. Michael sa isang tunggalian.
Ito ay inalis noong 2021 bilang bahagi ng proyektong muling pagpapaunlad ngunit maingat na ibinalik sa pamilya na orihinal nitong may-ari na si Don Simeon Bernardo para sa pangangalaga. Orihinal itong nakaposisyon sa ibabaw ng puntod ni Don Simeon upang magsilbing paalala ng kanyang pananaw sa moral challenges ng mundo.
Ayon sa kanyang apo sa tuhod na si Attorney Martin Pison, ang estatwa ay nilikha bilang simbolo ng malupit na realidad na sa kanyang nakita, kadalasang nananaig ang kasamaan kaysa sa kabutihan.
Si Don Simeon, isang freemason, ay inakushan ng mga revolutionary activities noong 1892 sa ng Spanish colonization, at nahuli, pinahirapan, at kalaunan ay ipinatapon sa Yap Island sa Carolines.
“Nakapagisip-isip siya ngayon kung bakit ganon ‘no, kung sino pa raw ang sinasabing alagad sila ng Diyos, sila pang nagpapahirap sa mga tao at tila yata ang kasamaan ang naghahari sa mundo. Ginusto niyang gawan ng simbulo iyon. Kaya noong mga 1926, pinagawa niya yang statue. Simbulo siya na naghahari ang kadiliman dito sa mundo at hindi ang kabutihan,” ani Atty. Pison.
“Kaya niya pinagawa ‘yan para ipaalala sa mga tao na hindi dapat ganon,” dagdag niya.
Isang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ni Mayor Jeannie at ng pamilya Bernardo upang matiyak ang patuloy na pangangalaga ng estatwa sa TPC.
Nagpasa din ang Malabon City Council ng isang ordinansa na nagdedeklara sa “The Devil and St. Michael the Archangel” statue bilang isang local cultural property na tinitiyak ang kahalagahan nito sa makasaysayang tanawin ng lungsod. (Richard Mesa)
-
Gobyerno, target na gawing fully vaccinated ang 77 milyong Pinoy bago sumapit ang eleksyon sa Mayo
PIPILITIN ng gobyerno na mapagtagumpayan ang target nitong mabakunahan laban sa covid 19 ang 77 milyong adults bago pa sumapit ang pinaka-aabangan na May 9, 2022 elections. Ang anunsyo na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na isiwalat ng pamahalaan ang bago nitong target para protektahan ang […]
-
Gaganap namang doktor sa ‘Abot Kamay na Pangarap’: KIM JI SOO, tuloy-tuloy ang showbiz career dito sa Pilipinas
TULUY-TULOY ang showbiz career dito sa Pilipinas ng sikat na Korean actor na si Kim Ji Soo! Matapos kasi ang guesting niya sa ‘Black Rider’ bilang assassin na si Adrian Park ay mapapanood naman siya ngayon sa ‘Abot Kamay na Pangarap’ bilang isang doktor. Una naming napanood si Kim […]
-
Marcos, Duterte nakakuha ng majority approval, trust ratings sa pinakabagong Pulse Asia survey
KAPWA nakakuha sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ng majority approval at trust ratings para sa buwan ng Marso, base sa makikitang resulta ng Pulse Asia survey. Makikita sa resulta ng survey na si Pangulong Marcos ay nakakuha ng approval rating na 78% habang si Duterte naman ay mayroong […]