Panggulat ang role niya sa ‘Uninvited’: NADINE, pinaghandaan talaga na maka-eksena sina AGA at VILMA
- Published on November 22, 2024
- by @peoplesbalita
SA teaser trailer ng ‘Uninvited’, unang ipinakita ang intense na eksena nina Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Na kung saan ay pinagmumura ng premyadong aktres ang aktor na gumaganap na ama bilang Guilly.
Nag-viral ang naturang trailer ng kanyang character na si Nicole.
Kaya sey ni Nadine, “Iba ‘yung pakiramdam makaeksena si Kuya Aga. That scene, everytime after ng eksena, may adlib si Kuya Aga. After paglabas ng pintuan, tawa ako nang tawa.
“Hindi naman siya awkward, natuwa ako natawid namin eksena. Pero I would say if you watch the trailer triggering in a way pero nakakatawa lang knowing si Kuya Aga, ang layo ng personality niya.”
Kitang-kita na palaban at may pagka-dark ang role ni Nadine sa 50th Metro Manila Film Festival entry na “Uninvited” na mula sa Mentorque Productions ni Bryan Dy, kasama ang Project 8 Projects at ng Warner Bros. Pictures. Mula ito sa direksyon ni Dan Villegas na isinulat ni Dodo Dayao.
At base sa inilabas na official trailer ng “Uninvited” sa ginanap grand launch sa The Grand Ballroom ng Solaire Resort North, magugulat talaga ang fans ni Nadine.
First time daw niyang mag-portray ng isang dark role at inaasahang makikipagtagisan siya sa pag-arte sa mga iniidolo na sina Vilma Santos at Aga.
“It is a huge change from all the roles I have done before,” pag-amin ng aktres. “Everyone knows me from romcoms and dramas, romance stuff.
“My roles are always mabait na anak, palaban, pero mabait. This time, I was able to explore and try a different side of acting.
“I wanted you to see, ‘ano pa kaya ang kaya kong gawin? Sobrang extreme from my previous characters, something I always wanted to do.
“I love exploring. Hopefully, maging darker pa ang characters ko,” sey pa niya.
Pinag-aralan daw talaga niya ang kanyang role bilang paghahanda sa mga intense scenes nila nina Aga at Vilma.
Kasama rin sa cast ng “Uninvited” sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Nonie Buencamino, Ron Angeles, at Tirso Cruz III. Showing na ito simula sa December 25, sa mga sinehan nationwide.
At ngayon palang ay hinuhulaan na ito ng netizens na lalaban bilang isa sa magta-top sa 50th MMFF.
(ROHN ROMULO)
-
186 lugar sa NCR naka-granular lockdown – PNP
Nasa 186 pang lugar sa Metro Manila ang nakasailalim sa granular lockdown. Sa datos ng Philippine National Police (PNP), bumaba na ang bilang mula sa 192 na naitala kamakalawa. Ang mga lugar na naka-lockdown ay mula sa 122 mga barangay sa Metro Manila kabilang ang 133 mga bahay, 19 residential building, […]
-
IÑIGO, pang-world-class dahil kasama sa lead cast ng American musical drama na ‘Monarch’
THE secret is out, dahil hindi lang kasama sa cast, bida pa si Iñigo Pascual sa American musical drama na Monarch ng Fox Network. Ayon sa balita, gaganap si Iñigo bilang Ace Grayson na isang 18-year old phenomenal singer na nangangarap maging isang country artist. Kinumpirma nga ito ng anak ni […]
-
DOTr: MM Subway pinabibilis ang konstruksyon
TULUY-TULOY ang ginawang konstruksyon sa Metro Manila Subway project kung saan ang Department of Transportation (DOTr) ay lumagda sa isang “right-of-way usage agreement” sa apat (4) na malalaking kumpanya para sa pagtatayo ng dalawang (2) estasyon nito. “We inked right-of-way usage agreement with Megaworld Corp., Robinsons Land Corp., Ortigas & Co. Ltd […]