Pangulong Duterte at Senator Bong Go, sumailalim sa COVID-19 test
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
TAPOS na ang COVID-19 test kina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go.
Sinabi ni Sen. Go, alas 5pm kahapon nang kunan sila ng swab sample sa Bahay Pagbabago sa PSG Compound.
Nais umano nilang makatiyak na negatibo sila sa virus matapos makahalubilo nila kamakailan ang isang nagpositibo sa COVID-19.
Hinihintay pa ang resulta ng nasabing laboratory test kina Pangulong Duterte at Sen. Go.
Binigyang diin ngayon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walanga numang sintoma ng coronavirus disease (COVID-19) ang Pangulong Rodrido Duterte.
“While PRRD and Senator Go do not have the symptoms of the virus, they have opted to undergo the test to ensure that they are fit and healthy to perform their duties as government workers,” ani Panelo.
“They are undertaking this pre-emptive step as per advice of health officials given that they have regularly engaged with Cabinet officials, some of whom have opted to undergo self-quarantine as they were exposed to those infected with #COVID19.”
Una rito kinumpirma ni Sen. Go na sasailalim sa coronavirus disease testing ang Pangulong Duterte.
Sinabi ng dating aide ito raw ang napagpasyahan ng Pangulo matapos na ianunsiyo ng ilang mga cabinet members na sasailalim sila sa self-quarantine makaraang makasalamuha ang mga nagpositibo sa COVID-19.
Ayon pa sa senador, sumailalim sila sa pagsusuri para matiyak na sila ay “fit and healthy” na makasalamuha ng publiko.
“We are doing this to ensure that we are fit and healthy to engage the public and perform our duties in the coming days and weeks. As always, the President and I remain ready to serve and die for the Filipino people,” wika pa ni Go sa statement.
-
Pinay volleyball star Jaja Santiago inalok na maging naturalized player ng Japan
Inalok si Filipina volleyball star Jaja Santiago ng koponan na sa Japan na maging naturalized player nila. Ayon sa 25-anyos na middle blocker na mula pa noon ay pinili na niya ang Japanese team na Saitama Ageo Medics. Paliwanag niya na may mga alok ang ibang bansa na maglaro sa kanilang […]
-
NLEX nakuha ang unang panalo matapos ilampaso ang NorthPort 102-88
NAITALA ng NLEX Road Warriors ang unang panalo matapos tambakan ang NorthPort 102-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup. Naging bida sa panalo si Kiefer Ravena na nagtala ng 25 points, limang rebounds at apat na as- sists sa laro na ginanap sa AUF Sports and Cultural Center sa Angeles, Pampanga. Nag-ambag naman […]
-
Pharmally officials, ‘di bibigyan ng special treatment sa Pasay jail – BJMP
Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang magiging special treatment sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina director Linconn Ong at corporate secretary na si Mohit Dargani. Ayon kay BJMP spokesman J/Chief Insp. Xavier Solda, ituturing pa rin nilang karaniwang bilanggo ang mga ito. Gayunman, […]