Pangulong Duterte, nakiisa sa pagdiriwang ng mga Bulakenyo ng ika-123 Araw ng Kalayaan
- Published on June 15, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Nakiisa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagdiriwang ng ika-123 Taong Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Bulacan habang personal at postyumong iginawad ang Orden ng Lapu-Lapu, Ranggong Magalong kina Hen. Gregorio S. del Pilar at Marcelo H. del Pilar sa Harap ng Gusali ng Kapitolyo sa lungsod na ito kahapon.
Tinanggap ni Marita del Pilar Villatema Santos, pamangkin sa ikalawang henerasyon ni Hen. Del Pilar, ang nasabing parangal na ipinagkakaloob bilang pagkilala sa pagiging huwaran ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaan gayundin ang mga pribadong indibidwal dahil sa maringal na pagpapasulong ng adbokasiya ng pangulo.
“It is just fitting that more than a century since their exploits, these two sons of Bulacan continue to inspire succeeding generations of Filipinos to cherish the liberties and freedoms that they bled and fought for. I therefore consider it a great honor to bestow upon them – through their kin – the Order of Lapu-Lapu, in recognition of their extraordinary acts of heroism that served as the foundation of this nation,” anang Pangulo.
Hinikayat ni Duterte ang mga Pilipino, na parangalan ang legasiya ng mga ito sa pamamagitan ng paggawa ng maliliit na kabayanihan lalong higit ngayong panahon ng pandaigdigang krisis habang kinikilala ang mga makabagong bayani kabilang ang mga healthcare worker, kapulisan at iba pang mga frontliner na instrumento sa paglaban kontra COVID-19.
“In the past year, they have risked their own lives and sacrificed their own comfort and security to ensure that our society will continue to function despite this crisis. Maraming pong salamat sa inyong pagmalasakit at serbisyo,” ani Duterte.
Inanunsyo din niya na pinahintulutan na ng Armed Forces of the Philippines ang pagtatayo ng Wall of Heroes sa Libingan ng mga Bayani kung saan itatatak ang mga pangalan ng mga makabagong bayaning namatay dahil sa COVID-19 bilang pagkilala. Samantala, binigyang diin naman ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga sakripisyo at kontribusyon ng mga bayani na ang legasiya ay patuloy na tumayo sa gitna ng kabiguan, sa awa ng Diyos, pagmamahal sa pamilya at sa bansa ay nananatili.
“Kung paanong naitatag ng ating mga ninuno ang isang malayang bansa, sa panahon ng matinding kahirapan, tayo ay naniniwala na lalaganap muli sa ating lupain ang inspirasyon upang patunayan at itanghal muli’t muli kung ano ang kayang maabot ng isang bansang nagkakaIsa para sa mabuting layunin,” ani Fernando.
Dumalo din sa pagdiriwang sina Chief Presidential Legal Adviser Salvador Panelo, Senador Bong Go, mga kinatawan ng distrito sa Bulacan, AFP Chief of Staff Cirilito Sobejana, PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, mga punongbayan sa Bulacan, at National Historical Commission of the Philippines Chairman Dr. Rene Escalante. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
DILG Asec, inanunsyo ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government Assistant Secretary for Public Safety Florencio M. Bernabe, Jr. sa ginanap na obserbasyon ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog kaalinsabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Lunes ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) […]
-
Papel ng kababaihan sa Pinas ibinida ni Pangandaman
NANANATILI ang commitment ng bansa sa pagtataguyod ng women empowerment, partikular ang kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng kapayapaan, diin ni Budget Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng International Conference on Women, Peace, and Security (ICWPS) sa Philippine International Convention Center (PICC), ibinahagi ni Pangandaman ang mga hakbangin ng […]
-
Laban sa New Zealand sa FIBA Asia, malaking hamon sa Gilas – Brownlee
INAASAHAN na magiging mabigat kaagad ang magaganap na unang laro ng Gilas sa second window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa darating na Nobyembre 21, sapagkat makakatapat nila ang New Zealand ayon kay Justin Brownlee. Ang makakalaban nilang team na Tall Blacks ang matatandaang tumalo sa team ng Pilipinas noong nakaraang taon sa […]