• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangulong Marcos sinasapinal na SONA

ISINASAPINAL na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang laman ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang anumang engagement ang Pangulo kahapon.
Sinabi ni Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan.
“The President is on top of finaling his SONA speech. He has no enggament today because he is preparing for the SONA”, ayon pa sa kalihim.
Sinabi pa ng kalihim na kasama sa ginagawa ng pangulo ang pag-edit mismo ng kanyang SONA speech.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.
Inaalaala naman ni Pangulong Marcos kung paano pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.
Other News
  • HOTEL NA ISOLATION SITES, DADAGDAGAN

    PLANO  ng gobyerno na dagdagan pa ang bilang ng mga kinontratang hotel na gagamitin bilang  mga isolation site matapos umabot sa 78 porsyento ang utilization rate ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) .     Sinabi ni Health Undersecretary and Treatment czar Leopoldo Vega na mayroon mataas na bilang ng mga kahilingan para sa […]

  • 108 lugar sa bansa nasa ilalim ng state of calamity

    UMAABOT  na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of cala­mity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat.     Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos […]

  • Most wanted na rapist, nakorner sa Valenzuela

    HIMAS-REHAS ang binata na inakusahan ng panggagahasa sa isang menor-de-edad matapos masukol ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Bryan”, 24 ng Brgy. Parada ng lungsod.     Sa ulat ni Col. Destura […]