Pangulong PDu30 muling binira ang ABS-CBN
- Published on March 8, 2021
- by @peoplesbalita
MULING binira ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN network.
Hindi kasi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang ginawa ng may-ari ng ABS-CBN network na nagpalabas ng paumahin subalit kalaunan ay itinanggi naman ang kanilang pagkakamali.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa Cagayan de Oro City ay inalala ng Chief Executive kung paano humingi ng paumahin ang ABS-CBN para sa kanilang pagkukulang noong nakaraang taon bago pa sapilitang ipatigil ang kanilang free-TV operations bunsod ng kanilang expired franchise.
“Sila pay ga-apologize. Headline, nasa front page,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Oh og di ka guilty, nganong mo-apologize ka man? Mao pud ng ABS-CBN, si Gabby [Lopez]. Naghimo siya og front page. Nangayo pud siya’g pasaylo. Ngano man? Sa ilang mga sayop. Karon, di na moangkon (Kung hindi ka guilty, bakit kailangan mong mag- apologize? Gaya rin ni ABS-CBN, Gabby. Gumawa pa ito ng headlines. Nagpalabas din siya ng apology. Bakit? Para sa kanilang pagkakamali. At ngayon ay itatanggi nila lahat),” dagdag na pahayag nito.
Ayon sa Pangulo, nang ibalik ng pamahalaan ang ABS-CBN sa may-ari nito matapos na i-sequestered ng Marcos administration ang network, ay naibenta ng kompanya ang lahat ng kanilang assets, bumalik sa murang presyo at muling ibinenta sa mataas na halaga.
“They sold all their assets to the DBP (Development Bank of the Philippines). All of it – lock, stock, and barrel. They resumed business and when their business was doing well, they bought back their assets at a cheap price and sold it for a higher price,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa Bisaya.
“I said, ‘Ah t*** i**.’ ABS-CBN? I’ll shut you down,” giit ng Pangulo.
Gayunman, nilinaw ng Pangulo na hindi naman siya kontra sa ginagawa ng ABS-CBN na pasayahin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng kanilang mga programa.
“ABS-CBN nakalingaw sa tao, walay problema na. Nakalipay sa mga bata, way problema na (ini-entertain ng ABS-CBN ang mga tao at pinapasaya nito ang mga bata at wala akong problema dyan),” ayon sa Punong Eekutibo.
Noong nakaraang buwan ay sinabi ng Pangulo na ipag-uutos niya sa National Telecommunications Commission (NTC) na huwag pagkalooban ang ABS-CBN ng lisensiya para mag- operate kahit pa kaya nitong makakuha ng bagong prangkisa maliban na lamang kung magbabayad ang nasabing kompanya ng kanilang buwis matapos na taxes matapos na kumilos ang mga mambatas na bigyan ang naturang broadcast giant ng bagong prangkisa. (Daris Jose)
-
2 mataas na opisyal ng gobyerno ipapapatay ako – Rep. Teves
IBINUNYAG ng kontrobersyal na si dating 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves na dalawang mataas na opisyal umano ng gobyerno ang nagpaplano ng ‘assassination plot’ laban sa kanya. Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 8 iba pa. Sa isang television interview […]
-
Lovely, ‘di na napigilang i-share ang naranasan: MARIAN, mas lalong hinangaan ng netizens dahil sa kabutihan ng puso
DAHIL sa IG post ng Kapuso actress-comedienne na si Lovely Abella tungkol sa naranasan din niyang kabutihan ng puso ni Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay mas lalong dumami ang humanga sa asawa ni Dingdong Dantes. Ibinahagi nga ni Lovely ang photos kasama si Marian at Dingdong na kuha sa taping […]
-
Sa kanyang first movie na musical pa: CASSY, aminadong sobrang na-challenge sa mabibigat na eksena
SI Cassy Legaspi na gumanap bilang si Ingrid, na biktima ng sexual harassment ng kanyang male teacher sa ‘Ako Si Ninoy’, ang pelikula ni direk Vince Tañada na mula sa Philstagers Films. Tinanong namin si Cassy kung ano ang masasabi niya na sa maagang stage ng kanyang career at una niyang pelikula ay […]