• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panibagong batch ng 1-M Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

Nasa Pilipinas na ang karagdagang batch ng one million doses ng Sinovac vaccines na dumating bandang alas-7:36 nitong Linggo ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

 

Lulan ng isang Cebu Pacific flight, sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez gayundin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at ilang opisyal mula sa Chinese Embassy.

 

 

Kasunod ng pagdating ng bagong batch ng Sinovac shots na binili ng DOH, papalo na sa kabuuang 6.5 million doses ang natanggap ng Pilipinas na gawa ng Chinese firm na Sinovac Biotech.

 

 

Ayon kay Secretary Galvez, majority sa mga China-made vaccines na dumating kaninang umaga ay ipapamahagi sa mga probinsiya na itinuturing na “high risk” dulot ng Coonavirus Disease (COVID-19).

 

 

Kabilang aniya sa mga probinsiya na mabibigyan ng bagong dating na COVID vaccine ay ang Zamboanga at iba pang lugar sa Region 6 kung saan tumataas ang kaso ng deadly virus.

 

 

Target din naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng bakuna ang lahat ng mga probinsiya.

 

 

Dagdag pa ni Galvez, ang mga COVID vaccine ng Pfizer at Moderna ay kadalasang idi-distribute sa National Capital Region.

 

 

Ang Sinovac ay una nang binigyan and ng approval ng World Health Organization para sa emergency use.

 

 

Nasa 3.4 million vaccine doses pa ang inaasahang darating sa bansa ngayong Hunyo.

 

 

Sa kabilang dako, bandang alas-8:56 ng umaga kanina nang dumating sa PharmaServ Express cold storage facility sa Marikina ang mga bagong bakuna kung saan isinakay ito sa 10-wheeler truck.

 

 

Mga convoy ng PNP Highway Patrol Group ang nagbigay seguridad sa ginawang pag-transport sa mga bakuna.

 

 

Target din naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng bakuna ang lahat ng mga probinsiya.

 

 

Dagdag pa ni Galvez, ang mga COVID vaccine ng Pfizer at Moderna ay kadalasang idi-distribute sa National Capital Region.

 

 

Ang Sinovac ay una nang binigyan and ng approval ng World Health Organization para sa emergency use.

 

 

Nasa 3.4 million vaccine doses pa ang inaasahang darating sa bansa ngayong Hunyo.

 

 

Sa kabilang dako, bandang alas-8:56 ng umaga kanina nang dumating sa PharmaServ Express cold storage facility sa Marikina ang mga bagong bakuna kung saan isinakay ito sa 10-wheeler truck.

 

 

Mga convoy ng PNP Highway Patrol Group ang nagbigay seguridad sa ginawang pag-transport sa mga bakuna. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 7, 2022

  • ‘John Wick 5’ May Not Happen But ‘The Continental’ Series Could Survive Without Keanu Reeves

    WHILE John Wick 5 may or may not happen, his replacement in prequel series The Continental proves the franchise can continue if Keanu Reeves exits. Just like the Mission: Impossible movies have become almost inextricably tied to the persona of Tom Cruise, it’s hard to picture the John Wick movies without Keanu Reeves.      The original film is credited with rescuing the star […]

  • “No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit

    WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya.   Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan […]