• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers

DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.

 

 

 

Ngayong taon, sunud-sunod na umabot sa mataas na heat index ang bansa. Bilang tugon, nakahanap ng paraan ang pamahalaang lungsod upang matulungan ang publiko.

 

 

 

Sa kabuuang halaga na PhP 12,750,000, bumili ang pamahalaang lungsod ng dalawang mobile shower at toilets na may kasamang apat na shower enclosure, apat na palikuran, handwash basin, at isang folding clothes rack sa bawat mobile shower. Ito ay karagdagan sa disaster response fleet ng lungsod na ipapakalat sa mga evacuation center. Araw-araw itong iikot sa bawat barangay upang ang Pamilyang Valenzuelanos na nakakaranas ng kakulangan sa tubig ay maari nilang magamit ng libre ang mga shower room.

 

 

 

“Ito pong dalawang mobile shower ay papaikutin po natin sa atin pong komunidad, at uumpisahan natin yan dito sa [Barangay] Parada. Libreng shower po ‘yan, libreng toilet… ito po ay iikot dahil po may mga komunidad tayo na medyo may kaunting power interruption, at hindi po sila makaligo dahil walang kuryente sa kanilang bahay. Kaya po sa pamamagitan po ng mobile shower natin, araw-araw [ay] papaikutin po natin… para po maiwasan natin ang sakit na mula sa heat wave na nararanasan natin ngayon.” mensahe ng Mayor Wes. (Richard Mesa)

Other News
  • Flood control project ng MMDA nakumpleto na

    NATAPOS na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021.     Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 […]

  • Halos 40 bansa na ang nagtala ng Omicron coronavirus variant – WHO

    Umabot na sa 38 mga bansa ang nakapagatala ng Omicron coronavirus variant.     Itinuturing kasi ng World Health Organization (WHO) na ang nasabing variant ng COVID-19 ay mabilis humawa.     Pinakahuling bansa ang US at Australia na may naiulat na local transmission ng Omicron.     Nagbabala ang WHO na aabutin pa ng […]

  • “Demonyo”, 1 pa huli sa Caloocan drug bust, P110K droga, nasabat

    SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Demonyo” at alyas “Jeng-Jeng”, kapwa […]