• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panlilio, Canlas suportado si Tolentino

SUPORTADO nina Sama­hang Basketbol ng Pilipinas head Al Panlilio at sur­fing federation chief Dr. Jose Raul Canlas ang lide­rato ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

 

 

NIlinaw ng dalawa na bahagi sila ng tiket ni Tolentino para sa nalalapit na POC elections.

 

 

Tatakbo si Panlilio bilang first vice president habang treasurer naman si Canlas kasama ang grupo ni Tolentino.

 

“I’m committed only to Philippine sports, to the Filipino athletes and to the leadership of Abraham “Bambol” Tolentino, who did a good job, and we are hoping to make it better or sustainable in the upco­ming years,” ani Panlilio.

 

 

Ito rin ang pananaw ni Canlas na siyang lider ng United Philippine Surfing Association.

 

 

“I am for Philippines sports and for the Filipino athletes. Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino has proven himself as an effective leader,” ani Canlas.

 

 

Target ni Tolentino na muling makakuha ng four-year term bilang POC president sa eleksiyon na idaraos sa Nobyembre 29 sa East Ocean Seafood Restaurant.

 

 

Kasama ni Tolentino sa grupo sina Panlilio, se­cond vice president Richard Gomez, Canlas, Donaldo “Don” Caringal bilang auditor, at executive board members Alvin Aguilar ng wrestling, Alexander “Ali” Sulit ng judo, Ferdinand “Ferdie” Agustin ng jiu-jitsu, Leonora Escollante ng canoe-kayak at Leah Jalandoni Gonzales ng fencing.

 

 

Makakalaban ni Tolentino si baseball association president Chito Loyzaga.

 

 

Nauna nang inilabas ni Loyzaga na kasama nito sina Panlilio at Canlas sa grupo.

 

 

Subalit nilinaw nina Panlilio at Canlas na tinanggihan nito pareho ang offer ni Loyzaga na maging bahagi ng kanilang tiket.

Other News
  • US nagpadala ng Patriot missiles sa Poland bilang proteksyon laban sa posibleng pag-atake ng Russia

    MAGPAPADALA  ang US ng dalawang Patriot missiles batteries sa Poland bilang pagkontra sa banta sa US at NATO allies dahil sa nagpapatuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine.     Ang nasabing Patriots air defense missile systems ay kayang magharang ng mga paparating na mga short-range ballistic missile, advanced aircraft at cruise missiles.     […]

  • May pahiwatig na pagtatambalin sa isang movie: Sweetness nina JERICHO at KATHRYN, marami na ang nakakapansin

    KAPANSIN-PANSIN na sa ginanap na birthday celebration ng kasalukuyang GMA consultant na si Mr. Johnny Manahan na kilalang Mr. M ay halos karamihan ng dumalo ay mga Kapamilya stars.   Sa mga pictures na naglabasan sa nasabing birthday celebration ni Mr. M ay Ilan sa nakikita na present ang mga big stars na sina Piolo […]

  • Ukraine president Zelenskiy tinawagan ni Pope Francis; nagpaabot nang panalangin sa bansa – Vatican

    IPINAABOT ni Pope Francis kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang kanyang “most profound pain” sa dinaranas ngayon ng bansa, ayon sa Ukrainian Embassy sa Vatican.     Inanunsyo ng embahada ang pag-uusap na ito nina Pope Francis at Zelenskiy sa pamamagitan ng isang tweet.     Sa isang panayam, sinabi ng isa sa mga opisyal […]