• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukala para sa madaliang pagbili ng bakuna aprubado sa Komite

Sa paghahangad ng mabilis na pagsugpo at pagpapahinto ng pagkalat ng virus mula sa COVID-19, na siyang dahilan ng pagkakalugmok ng ekonomiya ng bansa, at tumataas na bilang ng mga nasasawi na mga Pilipino, inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang House Bill 8648 at HB 8649 o ang “Emergency Vaccine Procurement Act of 2021. 

 

 

Ang dalawang panukala na inihain nina Speaker Lord Allan Velasco at Quirino Rep. Junie Cua ay parehong naglalayon ng mabilisang pagbili ng bakuna para sa proteksyon ng mga mamamayan laban sa COVID-19, na maglilibre sa pagtalima sa Repubic Act 9184 o ang “Government Procurement Reform Act.”

 

 

Sa kanyang paliwanag sa HB 8648, sinabi ni Speaker Velasco na ang pinakamahalagang panlaban sa virus ay ang proseso ng pagbabakuna ng malaking bahagi ng ating populasyon upang makamit ang herd immunity.

 

 

“Ang susunod na pinakamabilis na pagsugpo laban sa pandemyang dulot ng COVID-19 ay ang mabilisang pagbili at epektibong pagbabakuna laban sa nakamamatay na sakit. Lubhang napakahalaga ng oras. Sa bawat araw ng pagka-antala ay mas lalong magiging magastos para sa pamahalaan, at maglalagay sa panganib sa marami nating mahihinang kababayan, na lantad sa sakit na dulot ng coronavirus,” aniya.

 

 

Sa ilalim ng HB 8648, bubuuin ang pondo para sa Adverse Events Following Immunization (AEFI) upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibiduwal na magpapabakuna.

 

 

Kaugnay nito, ang pagbili, pag-aangkat, pag-iimbak, paghahatid, pamamahagi, at pamamahala sa pagbabakuna para sa COVID-19 ng mga LGUs ay libre sa customs duties, value –added tax, excise tax, at iba pang kabayaran sa buwis.

 

 

Samantala, sinabi ni Cua sa kanyang HB 8649, na ilan sa mga hadlang na nakaantala at naranasan ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna ay ang mga pagbabawal na nakasaad sa mga kasalukuyang umiiral na batas.

 

 

Inaprubahan ng komite na pagsamahin ang dalawang panukala at ang pagsasapinal ng ulat ng Komite.   (ARA ROMERO)

Other News
  • Pareho kasing competitive sa iba’t ibang bagay: MIKEE, mas gusto na may pinagtatalunan sila ni PAUL

    SINABI ni Mikee Quintos na mas gusto raw nito na may pinagtatalunan sila ng boyfriend na si Paul Salas kesa sa nagkakasundo sila.     Pareho raw kasing competitive sa iba’t ibang bagay ang dalawa at ito ang mas nagpapatibay ng kanilang relasyon.     Kuwento ni Paul, “kasi ‘yung pagiging competitive naman namin, alam […]

  • ‘Bayaran niyo ang pinsala dahil sa climate change’

    TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change.     Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang Talk to the People at matapos ang pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton.   […]

  • Travel time mula port area papuntang Valenzuela, 10 minutes na lang

    TEN minutes na lang ang travel time galing sa Port Area papuntang NLEX-Valenzuela sa Bulacan dahil sa malapit ng matapos na North Luzon Expressway Harbor Link C3-R10 project.   “This will improve the movement of cargo between the Port Area and NLEX by shortening the travel time from the usual one hour to 10 minutes. […]