• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukala para sa madaliang pagbili ng bakuna aprubado sa Komite

Sa paghahangad ng mabilis na pagsugpo at pagpapahinto ng pagkalat ng virus mula sa COVID-19, na siyang dahilan ng pagkakalugmok ng ekonomiya ng bansa, at tumataas na bilang ng mga nasasawi na mga Pilipino, inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang House Bill 8648 at HB 8649 o ang “Emergency Vaccine Procurement Act of 2021. 

 

 

Ang dalawang panukala na inihain nina Speaker Lord Allan Velasco at Quirino Rep. Junie Cua ay parehong naglalayon ng mabilisang pagbili ng bakuna para sa proteksyon ng mga mamamayan laban sa COVID-19, na maglilibre sa pagtalima sa Repubic Act 9184 o ang “Government Procurement Reform Act.”

 

 

Sa kanyang paliwanag sa HB 8648, sinabi ni Speaker Velasco na ang pinakamahalagang panlaban sa virus ay ang proseso ng pagbabakuna ng malaking bahagi ng ating populasyon upang makamit ang herd immunity.

 

 

“Ang susunod na pinakamabilis na pagsugpo laban sa pandemyang dulot ng COVID-19 ay ang mabilisang pagbili at epektibong pagbabakuna laban sa nakamamatay na sakit. Lubhang napakahalaga ng oras. Sa bawat araw ng pagka-antala ay mas lalong magiging magastos para sa pamahalaan, at maglalagay sa panganib sa marami nating mahihinang kababayan, na lantad sa sakit na dulot ng coronavirus,” aniya.

 

 

Sa ilalim ng HB 8648, bubuuin ang pondo para sa Adverse Events Following Immunization (AEFI) upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibiduwal na magpapabakuna.

 

 

Kaugnay nito, ang pagbili, pag-aangkat, pag-iimbak, paghahatid, pamamahagi, at pamamahala sa pagbabakuna para sa COVID-19 ng mga LGUs ay libre sa customs duties, value –added tax, excise tax, at iba pang kabayaran sa buwis.

 

 

Samantala, sinabi ni Cua sa kanyang HB 8649, na ilan sa mga hadlang na nakaantala at naranasan ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna ay ang mga pagbabawal na nakasaad sa mga kasalukuyang umiiral na batas.

 

 

Inaprubahan ng komite na pagsamahin ang dalawang panukala at ang pagsasapinal ng ulat ng Komite.   (ARA ROMERO)

Other News
  • Inaming nagkulang sa paglalambing noon: MATET, ngayon lang na-realize na sana’y mas naging mabuting anak ni NORA

    INAMIN ni Matet de Leon na nagkulang siya sa paglambing noon kay Nora Aunor.     Ngayon lang kasi niya na-realize na sana’y naging mas mabuting anak siya sa kanyang inang Superstar.     “Siguro po ‘yung ipilit ko ‘yung sarili ko sa kanya. Kasi noong bata po kami, si mommy nga laging busy. So […]

  • LIQUOR BAN MULING IPINATUPAD SA NAVOTAS

    Nagpasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng City Ordinance No. 2021-18 na muling ipinagbabawal ang alak at pagbebenta ng alak at mga inuming nakalalasing sa lungsod.     Labag din sa batas ang pagdala ng alak, pag-inom ng naturang inumin at gumala ng lasing sa anumang mga pampublikong lugar sa lungsod.     “Safety protocols […]

  • Pondo sa Tokyo Olympics puwede pang itaas – PSC

    PUWEDE pang itaas ng Philippine Sports Commission ang pondo ng Team Pilipinas para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inantras ng pandemya sa parating na Huly 23-Agosto 8 sakaling may madagdag pa sa 10 mga atleta.     Ipinahayag ito Miyerkoles ni Philippine Sports  Commissiion Chairman William ‘Butch’ Ramirez pagkalipas na […]