• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang daylight saving time sa NCR, pag-aaralan pa – MMDA

PINAG-AARALAN  ng pamahalaan ang pagpapatupad ng daylight saving time sa gitna ng naobserbahang mabigat na daloy ng trapiko sa National Capital Region sa ilalim ng Alert level 1.

 

 

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, inirekomenda na maaaring gawin mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang pasok sa gobyerno maging ang mga transaksiyon sa gobyerno.

 

 

Malaking bagay aniya ito dahil makakaapekto ito hindi lamang sa mga manggagawa ng gobyerno kundi sa transaksyon na din ng gobyerno.

 

 

Base sa datos mula sa MMDA, ang dami ng mga sasakayan na bumabaybay sa EDSA kada araw bago nagka-pandemiya ay nasa 405,000.

 

 

Bago naman nagpatupad ng oil price hike, nasa 390,000 ang daily volume ng mga sasakyan subalit bumaba ito ng 370,000 matapos ang sunud-sunod na linggo ng pagtaas ng presyo sa langis.

 

 

Sa kasalukuyan, ipinapatupad ang number coding sa kahabaan ng EDSA mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

 

 

Pinag-aaralan na rin ngayon ng MMDA kung ipapatupad na rin ito sa umaga.

Other News
  • Hollywood actor na si SAM NEILL, naging bukas na pag-usapan ang pakikipaglaban sa blood cancer

    HINDI inakala ng ‘Drag Race Philippines’ Season 1 contestant na si Eva Le Queen na mabibigyan siya ng pagkakataong umarte sa isang teleserye.     Kasama nga siya sa cast ng ‘The Write One’ ng GMA Public Affairs at Viu Philippines.     Ikinatuwa pa ni Eva na binigyan daw siya ng creative freedom para […]

  • Ratsada na sa paggawa ng pelikula at series… VICTOR, puwedeng-puwede na maging next ‘Vivamax King’

    RATSADA ngayong Agosto ang newest Vivamax actor na si Victor Relosa (dating VR Relosa) dahil bibida na naman siya sa pelikulang ‘Kamadora,’ kasama sina Tiffany Grey at Armina Alegre, na ang streaming ay nagsimula na ng August 11.     Mula ito sa direksyon ni Roman Perez, Jr. na siya ring nagdirek nang huling pinagbidahan […]

  • Obiena silver sa Italy

    Nasungkit ni Olympic bound at SEA Games pole vault gold medalist Ej Obiena ang silver medal sa katatapos na 13th International Meeting sa Trieste, Italy matapos lundagin ang 5.45 meter mark sa competition.   Hinirang namang kampeon si Olympic gold medalist Thiago Braz da Silva ng Brazil na may 5.50 meter at 3rd place naman si […]