• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang doblehin sa P1K pensyon ng indigent seniors batas na

ISA nang ganap na batas ang panukalang layong itaas mula P500 sa P1,000 ang buwanang pensyon ng “indigent senior citizens” o mga nakatatandang nasa laylayan, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva ngayong Martes.

 

 

“Happy bday indeed! batas na po ang ating doubling the social pension of indigent senior citizens,” tweet ni Villanueva kalakip ang litrato ng liham ng Malacañang na may lagda ni Executive Secretary Victor Rodriguez.

 

 

Bukod sa pagtaas ng buwanang pensyon ng mga indigent senior citizen, ang batas ay nagbibigay din ng opsyon maliban sa cash payout upang maabot ng pensyon ang target na benepisyaryo. Batay sa ulat ng GMA News, ang bayad sa transaksyon, kung mayroon man, ay hindi sisingilin sa benepisyaryo.

 

 

Dagdag pa rito,  itinalaga rin ng naturang batas ang National Commission of Senior Citizens bilang tagapamahagi at pamahala ng social pension para sa mga nakatatanda na siya dating gawain ng Department of Social Welfare and Development.

 

 

Nito lamang Mayo nang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang iminungkahing panukalang batas na layong itaas ang social pension  ng mga senior citizen na nasa laylayan.

 

 

Kaugnay ng pagsasabatas ng naturang panukala, sinabi ng militante at progresibong grupong Bayan Muna na “long overdue” na ang aksyong ito ng Senado.

 

 

Ani Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na siya punong may-akda ng panukala sa Kamara noong 18th Congress, “compromised version” na ang naisabatas na panukala at kulang din ito.

 

 

Aniya, dapat pa kasing palawakin ang saklaw ng mga senior citizen na maaaring makinabang sa naturang benepisyo.

 

 

“The Senate version adopted by the House of Representatives to expedite its approval still contained the discriminatory provision requiring that an elderly should be weak, sick or disabled before one can be considered an indigent senior citizen to qualify for the pension,” sambit ng dating House minority leader.

 

 

“[B]ayan Muna fought hard since the 16th Congress, not only to increase the social pension to Php 1,000/month, but also to eliminate many of the disqualifications. Pag at least 60 years old ka na, dapat bigyan ka ng Php 1,000 piso kada buwan, wala nang kung anupang requirement,” giit pa ni Zarate.

Other News
  • Pandemic fatigue, ugat ng dumaraming quarantine violators – NTF

    Aminado ang National Task Force (NTF) against COVID-19 na isa sa malaking challenge ngayon ang nararanasang pandemic fatigue.     Ayon kay NTF spokesman retired MGen. Restituto Padilla, ito ang kadalasang rason ng mga nahuhuling quarantine violators, lalo na sa mga mass gathering.     Aniya, nauunawaan nila ang ganung pakiramdam, lalo’t dalawang taon na […]

  • WINWYN, hindi pa rin makapaniwalang nakapasok ang ‘Nelia’ sa MMFF; napapanahon ang kuwento at maraming makaka-relate

    MASAYA ang bagong producers na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Quino dahil napili ang Nelia, ang unang venture nila as film producers bilang entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.      Bida sa movie si Winwyn Marquez, Raymond Bagatsing at Ali Forbes. Tampok din sa Nelia sina Mon Confiado, Lloyd Samartino, Shido […]

  • Bulacan, kaisa sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s month

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa ng bansa sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s Month, magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ng isang programa para sa mga katutubo na tinawag na “Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat” sa Oktubre 21, 2022 sa Sitio Manalo, Brgy. San […]