Panukalang magbabawal sa ‘no permit, no exam’ policy sa private schools, aprubado na sa Kamara
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Kamara nitong Lunes ang panukalang magpapataw ng administrative sanctions laban sa mga private elementary at high school educational institutions na hahadlang sa mga estudyante na kumuha ng nakatakdang periodic examinations dahil hindi nakabayad ng kanilang financial obligations.
Umaasa si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sa pagkaka-apruba ng panukala ay makakatulong sa mga magulang at estudyante sa problema na hindi makapag-exam dahil hindi nakabayad sa kanilang tuition at iba pang school fees dahil sa balidong dahilan.
Ayon sa speaker, may pagkakataon na hindi maiwasan ang pagkakaroon ng emergencies at pangyayari na dahilan kung bakit hindi agad makabayad ang pamilya sa kanilang obligasyon.
Ilan sa mga pangunahing awtor ng panukala ay sina Reps. Roman Romulo, Manuel Jose Dalipe, Gus Tambunting, Marvin Rillo, Camille Villar, Salvador Pleyto, France Castro, Ma. Rene Ann Lourdes G. Matibag, Jaye Lacson-Noel, at iba pang mambabatas.
Sa botong 259, inaprubahan ng kamara ang House Bill 7584 para makakuha ang mga estudyante ng private basic educational institutions na makakuha ng pagsusulit sa kabila na hindi ito nakabayad ng school fees dala na rin ng emergencies, force majeure, at iba pang sapat na dahilan.
Upang mabalanse naman ang pangangailangan din ng pribadong paaralan, nakasaad sa Section 4 ng panukala na ang mga magulang o guardians ng estudyante ay kailangang magsumite ng promissory note bago kumuha ng exam. (Ara Romero)
-
Matapos na maging box-office hit sa ‘Cinemalaya XX’: ‘Balota’ na pinagbidahan ni MARIAN, mapapanood na nationwide
MAGANDANG balita para sa mga supporter ng “Balota” ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula October 16. Matatandaang nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy. Ang “Balota” ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda. Inanunsyo ito ng GMA […]
-
Gobyerno, “on the right track” para magbigay ng affordable rice-NEDA
“ON the right track” ang admkinistrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para magbigay ng affordable o abot-kayang halaga ng bigas sa merkado. Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa press briefing sa Malakanyang na magpapalabas ang administrasyong Marcos ng “economies of scale” na sa kalaunan ay magiging […]
-
Pagsasara ng POGO, walang epekto sa ekonomiya- DILG
WALANG masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang ganap na pagsasara ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na “As per NEDA, .25 of 1 percent of total GDP (gross domestic product) ang maaapektuhan. We don’t see […]