• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang nagdedeklara sa national election day bilang holiday, pasado sa ikalawang pagbasa

INAPRUBAHAN  ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8187 na nagsusulong na gawing regular non-working holiday ang araw ng halalan upang ma-engganyo ang mas maraming botante na bumoto.

 

 

Sa ilalim ng panukala, kabilang sa “national elections” ang plebesito, referendums, people’s initiatives, at special elections.

 

 

Samantala, ipinasa din ng kamara sa ikalawang pagbasa ang HB 8269 o panukalang “Rights of Internally Displaced Persons (IDPs) Act,” na naglalayong isulong at protektahan ang karapatan ng mga non-combatant citizens.

 

 

Magaging mandato para sa estado na protektahan ang mga IDPs mula sa anumang uri ng diskriminasyon o persecution, at ipaprayoridad sa rehabilitation at reintegration sa sosyedad.

 

 

Kabilang din sa ilalaan ng estado sa mga IDPs ay ang probisyon at access sa basic necessities, ‘protection against criminal offenses and other unlawful acts, freedom of movement, recognition, issuance and replacement of documents, family unity, health and education, protection of their properties and possessions, and right to participation.’

 

 

Ang iba pang panukala na ipinasa sa ikalawang pagbasa ay ang 1) HB 7728, simplifying the procedure in the disposition of public agricultural lands; 2) HB 8327, restructuring the Philippine National Police; at 3) HB 8265, providing for the registration, regulation, and operation of cooperative banks.

 

 

Ipinasa rin ang House Resolution 1056, na inihain ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, para sa pagpapalakas ng mutual cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Korea sa pamamagitan ng Philippines-Korea Parliamentarians’ Friendship Association. (Ara Romero)

Other News
  • Ads January 25, 2021

  • Maraming Pinoy kulang ang tiwala sa vaccination program ng bansa- SWS

    Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.     Ito ang lumabas na restulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).     Base sa survey na mayroong 51 percent ng mga Filipino adults ang nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangang ng 18 percent […]

  • F2, Perlas sasalang din sa bubble training

    Ikakasa ng F2 Logistics at Perlas Spikers ang kani-kanyang bubble training upang paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.     Target ng Cargo Mo­vers na magsagawa ng training camp sa Valentino Resort and Spa sa San Jose, Batangas.     Isinumite na ng pamunuan ng F2 Logistics ang request nito sa Games and […]