Panukalang nationwide, Luzon-wide academic break kinontra ng CHED
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Tinabla ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga panawagang magpatupad ng academic break sa buong bansa o sa Luzon kasunod ng serye ng mga bagyong tumama sa Pilipinas.
Una rito, ilang mga pamatasan ang nagpatupad ng isang linggong class suspension dahil sa iniwang epekto ng mga bagyo, na nagdulot ng problema sa distance learning at mental stress sa mga estudyante.
Ayon kay CHED chairperson Prospero De Vera, hindi maaaring gumawa ng iisang desisyon ang komisyon kaugnay sa isyu ng academic freeze.
“No to both, especially for the nationwide academic break because the impact of the typhoon and the disasters are different across different parts of the country,” wika ni De Vera sa isang panayam.
“Number two, no also to the Luzon-wide (break) because the universities are already deciding on it,” dagdag nito.
Para kay De Vera ang mga school authorities at mga lokal na pamahalaan ang nagpapasya tungkol sa deklarasyon ng class suspension, depende sa sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar.
“We leave that to the school authorities, because different schools and different students and families are affected differently,” anang opisyal.
Una rito, maging ang Department of Education ay umalma sa panawagang suspendihin muna ang mga klase matapos ang nangyaring sakuna.
-
Comelec, aprubado na ang pamimigay ng LTFRB ng fuel subsidies sa mga drivers at operators
PINAHIHINTULUTAN na ng Commission on Election ang hiling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) na ipagpatuloy ang pagpapalabas ng fuel subsidies para sa mga apektadong drivers at operators bunsod ng mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin. Nauna nang nagsumite ng aplikasyon ang LTFRB para sa exemption mula sa Comelec […]
-
Malaking pondo ang gagastusin sa PVL bubble
Milyones ang pondong kakailanganin upang matagumpay na maitaguyod ang 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na idaraos sa isang bubble format sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Base sa estimate, aabot ng P47 milyon ang magagastos para tustusan ang mga pangangailangan ng buong delegasyon sa bubble. Nangunguna na sa […]
-
National ID kikilalanin na sa lahat ng transaksyon
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo. Sinabi […]