Panukalang P5.2-T nat’l budget para sa 2023, isusumite sa Kongreso sa Aug. 22 – DBM
- Published on July 11, 2022
- by @peoplesbalita
ISUSUMITE ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang P5.2-T national budget para sa 2023 sa Agosto 22, 2022.
“We will submit the budget to Congress on August 22,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isang press conference kasunod ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting.
Ang Pangulo, alinsunod aniya kasi sa Seksyon 22, Artikulo VII ng Konstitusyon ay dapat na magsumite ng panukalang national budget sa Kongreso sa loob ng 30 araw mula sa pagbubukas ng regular session ng Kongreso.
Ang 19th Congress ay nakatakdang magbukas sa Hulyo 25, araw ng unang Ulat sa Bayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nangangahulugan na ang DBM ay mayroong hanggang Agosto 24 para isumite sa mga mambabatas ang panukalang budget para sa 2023.
Sinabi ni Pangandaman na ima-maximize ng DBM ang timeline na nakasaad sa Saligang Batas “to give way and accommodate for the priority projects of the new Cabinet secretaries.”
Nauna rito, sinabi ng administrasyong Marcos na ia-adopt nito ang budget ceiling na itinakda ng nagdaang administrasyon dahil layon nito na isumite ang full-year budget sa Kongreso, dalawang araw bago ang constitutional deadline.
“As discussed during the DBCC meeting, we will stick with the P5.2 trillion as previously announced,” ayon kay Pangandaman.
Ang DBCC ng administrasyong Duterte ay nagtakda ng 2023 budget ceiling na P5.268 trillion.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni dating Department of Budget and Management (DBM) officer-in-charge Tina Canda na kailangang sumunod ang administrasyong Marcos sa P5.268-trillion budget ceiling “for prudent fiscal management.”
Samantala, sinabi ni Pangandaman na nakatuon ang panukalang 2023 national budget sa “agricultural and food security, climate change adaptation, economic recovery, improved healthcare and education, enhanced infrastructure projects including digital infrastructure, utilization of renewable energy sources, strengthened tourism and jobs creation at sustainable development, among others.” (Daris Jose)
-
Pabirong sinisi sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy: ALEX, hindi na pine-pressure ang sarili na mabuntis
“HINDI ko na pini-pressure ngayon. Dati kasi prinessure ko, pero ang ate (Toni Gonzaga) ko ang nabuntis!” pahayag ni Alex Gonzaga sa presscon ng ini-endorse na Chef Ayb’s Paragis Tea kasama sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Suportado naman siya ni Mommy Pinty… “Dati ayaw pa niyang ipatanggap sa akin ang mga concert sa […]
-
19 Pinoy athletes palaban sa Olympic Gold — Ramirez
Habang papalapit ang Tokyo Olympic Games ay lalong lumalakas ang paniniwala ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na makakamit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal. Ito ay sa kabila ng matinding kompetisyon na sasabakan ng 19 Pinoy athletes sa kani-kanilang events sa quadrennial event na magsisimula sa Hulyo 23. […]
-
DA, nagpaliwanag sa pagbaba ng suplay ng kamote sa PH; taas-presyo, pansamantala lamang
NAGPALIWANAG ang Department of Agriculture sa kakulangan ng suplay ng kamote sa Pilipinas. Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, talagang nagkukulang ang suplay ng kamote kapag panahon ng tag-ulan dahil hindi masyadong lalaki ang mga ito. Subalit pagsapit naman aniya ng buwan ng Oktubre, Nobiyembre at Disyembre inaasahan na tataas na […]