Panukalang patawan ng 12% VAT ang mga digital transactions lusot na
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang patawan ng value-added tax (VAT) ang mga digital transactions sa bansa.
Inaprubahan ng komite ang unnumbered substitute bill na naglalayong amiyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.
Ayon sa Department of Finance, karagdagang P10 billion (P9 billion mula sa mga nonresident, habang P1 billion naman sa mga local digital service providers) ang inaasahang kikitain ng pamahalaan sa oras na maisabatas ang panukalang ito.
Sa ilalim ng panukala, sisingilin ng 12 percent tax mula sa kanilang gross receipts ang mga nonresident digital service providers, o iyong may online platform na ginagamit sa pagbili at pagbenta ng mga produkto o serbisyo tulad ng Netflix.
Sisingilin din ng buwis ang mga third party platflorms gaya ng Lazada at Shoppee, gayundin iyong supplier ng digital services.
Ayon sa chairman ng komite na si Albay Rep. Joey Salceda, marapat lamang singilin ng buwis ang mga nonresident digital service providers sa kinikita ng mga ito sa bansa.
Sinabi naman ng pangunahing may-akda ng panukala na si AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin na dapat gawing patas ang playing field sa pagitan ng mga nagnenegosyo sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa DOF, sa ngayon ay walang kinikita ang pamahalaan sa mga digital transactions na dumadaan sa mga nonresident digital service providers. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
GSIS, nag-alok ng emergency loan para sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad sa Mindanao, Laguna
MAAARI nang mag-apply ng emergency loan ang mga miyembro at pensiyonado ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga calamity-hit areas sa Mindanao at Laguna. Ito’y matapos na isailalim sa state of calamity ang mga bayan ng Pikit at Kabacan sa Cotabato kasunod ng pananalasa ng mga bagyong Butchoy at Carina, at maging […]
-
NFA, tinitingnan ang pagkakabit ng CCTVs sa mga warehouses, regular rotation ng mga tauhan sa sensitibong posisyon
INILATAG ni National Food Authority (NFA) acting Administrator Larry Lacson ang kanyang mga plano na magkabit ng closed-circuit television cameras (CCTVs) sa kanilang mga bodega at ilagay ang NFA personnel na humahawak ng sensitibong posisyon sa regular rotation. Sinabi ni Lacson na pinasimulan nya ang maraming ‘ procedural changes’ para pigilan ang insidente […]
-
Tugon sa trending sa FB na #wagkalimutanyungbinulsang 15BsaPhilhealthChallenge
NANANATILI ang posisyon ng pamahalaan na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng Philippine Health Corporation (PhilHealth) na sangkot sa katiwalian sa state insurer. “There is no let-up in our drive to make erring officials of the Philippine Health Corporation (PhilHealth) accountable for their alleged misdeeds,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque bilang tugon sa […]