• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang ‘rice tariff reduction’, pinalagan ni PBBM

PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pansamantalang ipatupad ang  rice tariff reduction para tugunan ang pagsirit ng presyo ng bigas sa merkado. 
“We decided with the agriculture and economic managers that … it was not the right time to lower the tariff rates because the projection of world rice prices is that it will go down. So, this is not the right time to lower tariffs. Tariffs are generally lowered when the price is going up,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos ang isinagawang sectoral meeting, araw ng Martes sa Palasyo ng Malakanyang kung daan ipinresenta ng National Economic and Development Authority (NEDA)  ang updates hinggil sa panukalang  rice tariff reduction  na may  ‘inputs’ mula sa Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Budget and Management (DBM).
May ilang grupo ng mga magsasaka ang nagpahayag ng kanilang alalahanin ukol sa negatibong epekto  kapag in-adopt ang rice tariff reduction gaya ng mas makikinabang ang mga  importers sa naturang panukala “because they are already undervaluing rice” at  “further depress” ang presyo ng palay  at  i-discourage o papanghinain ang loob  nila
(magsasaka)  mula sa pagpapalawak ng kanilang produksyon sa hinaharap.
Nauna rito, inirekomenda ng NEDA  ang pagtapyas sa taripa na ipinataw sa  imported rice sa layuning tulungan na maibaba ang  local rice prices sa merkado, sa kalaunan ay mauuwi sa sabay-sabay na pagbawi sa Executive Order (EO) No. 39, pagpapataw ng mandatong price ceilings sa regular at well-milled rice sa merkado.
Gayunman, sa nasabing pagpupulong, sina NEDA Secretary Arsenio Balisacan at ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) na sina Undersecretaries Leocadio Sebastian at Mercedita Sombilla ay sumang-ayon na hindi tama na ibaba ang tariff rates dahil sa ‘downtrend’ ng presyo ng bigas sa world market.
Sa ilalim ng EO 39, naging epektibo noong Setyembre 5,  ang ipinag-utos na  price ceiling sa  regular rice ay P41.00 kada kilo habang  ang ipinag-utos naman na  price cap  sa  well-milled rice ay P45.00 kada kilo.
Sa kabilang  dako, sinabi naman ni Pangulong Marcos  na pag-aaralang mabuti ng gobyerno kung babawiin nito ang implementasyon ng  EO 39,  sa ngayon aniya ay nananatiling epektibo ito.
“Pag-aralan natin mabuti,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Samantala, ipinag-utos naman ng Pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng P15,000 cash assistance sa mga  small rice retailers na apektado ng implementasyon ng  EO 39  habang namamahagi naman siya ng sako ng bigas sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para masilguro ang sapat na  food supply para sa mga ito. (Daris Jose)
Other News
  • Bukod sa nominasyon sa 50th International Emmy Awards: ‘On The Job: The Missing 8’ nina JOHN, napiling entry ng Pilipinas sa 95th Oscar Awards

    NOMINADO sa prestihiyosong 50th International Emmy Awards ang “On the Job: The Missing 8”, ang six-part miniseries ng direktor na si Erik Matti!     Inilabas ang listahan ng mga nominado last September 29, kung saan nominado ang obra ni direk Erik sa kategoryang Best TV Movie/Miniseries.     Makakalaban ng “On The Job: The […]

  • Sylvester Stallone Made $51 Million For ‘The Expendables’ Movies

    SYLVESTER Stallone, the mastermind behind The Expendables franchise, and it may surprise fans to know how much he was paid for producing the four films as well as starring in them as mercenary Barney Ross.   Stallone reignited interest in the action movie stars of the ’80s and ’90s by getting actors like Arnold Schwarzenegger, […]

  • SIKLISTANG TINUTUKAN NG BARIL, HINIKAYAT NI BELMONTE NA LUMUTANG AT MAGSAMPA NG KASO

    NANANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa siklista na lumutang at magsampa ng kaso sa ginawang pagkasa at panunutok ng baril ng isang retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales sa area ng Welcome Rotonda, Quezon City.     Kaugnay nito ay inatasan ni Belmonte ang People’s Law Enforcement Board o QC-PLEB na imbestigahan kung […]