PAOCC, nagpasaklolo sa PAGCOR para masakote ang mga foreign workers ng pinatigil na POGO para maibalik sa kanilang bansa
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPASAKLOLO na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tumulong sa pagsakote sa mga foreign workers sa pinatigil na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para maibalik ang mga ito sa kani-kanilang bansa.
Sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio, nananatiling may 38 POGOs ang legal na nago-operate sa bansa sa gitna ng POGO ban.
Sa katunayan, may mga foreign workers mula POGOs ang binigyan ng hanggang October 15 para i-downgrade ang kanilang 9G visas sa tourist visa. Mayroon lamang ng hanggang katapusan ng taon ang mga ito para umalis ng Pilipinas.
Kami ay nananawagan, sa pakikipagtulungan ng ibang mga ahensya, lalo na sa regulatory authority ng PAGCOR, dapat kalampagin nila itong mga ito na umalis na ngayon. Bakit po? Kapag hindi umalis ang mga iyan ngayon, ang marami sa mga ‘yan ay naghahanap ng paraan paano makapag-underground at maging mga iligal,” ang sinabi ni Casio.
“So ‘yun ang problema, habang pinatatagal po natin ang mga iyan, ay nakakahanap ng paraan ang mga ‘yan para manatili pa rin sa bansa natin. There are so many regulatory loopholes as far is gambling is concerned kaya nagmamakaawa ho kami para masunod natin ‘yung direktiba ng Pangulo na mapaalis na ito nang tuluyan,” dagdag na wika nito.
Samantala, binigyang diin ni Casio na may mga foreign POGO workers ang dapat nang umalis ng bansa dahil na rin sa wala ng working visa ang mga ito.
“Maraming matitigas ang ulo, kasing titigas ng marmol ang ulo ng mga ‘yan” ang sinabi ni Casio. ( Daris Jose)
-
DBM naglabas na ng P3 bilyong pondo para sa fuel subsidy sa sektor ng transportasyon
INAPRUBAHAN na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang paglabas ng P3 bilyong pondo para sa implementasyon ng Fuel Subsidy to the Transport Sector Affected by Increasing Fuel Prices o ang Fuel Subsidy Program (FSP)], na layong bigyan ng ayuda ang mahigit 1.36 milyong drayber at operator na apektado ng […]
-
5 wanted na ‘rapist’, nalambat sa manhunt ops Caloocan
HIMAS-REHAS ang limang lalaki na pawang akusado sa kaso ng panggagahasa matapos masakote ng pulisya sa pinaigting na manhunt operations kontra wanted persons sa Caloocan City. Dakong alas-11:20 ng gabi nang makorner ng tumutugis na mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals sa Jasmin St., Bicol Area, Brgy., 175, ang 20-anyos na construction worker […]
-
Pacquiao vs Ugas: ‘We’re going to give a big gift to the fans’
Nagkaharap-harap sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng virtual press conference sina Sen. Manny Pacquiao at ang bagong makakalaban sa welterweight championship na si Yordenis Ugas. Ayon sa eight-division world champion, excited na rin siya na makaharap si Ugas dahil championship pa rin naman ang kanilang paglalabanan. Kung maalala una nang naasar […]