• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAOLO, dinipensahan ang sarili sa nag-i-insist na higit three days sa Baguio City; may hamon sa mga nagpa-picture

DAHIL nga sa “as a friend” na statement ni Paolo Contis, sa kabila na si LJ Reyes ay mukhang ginagawa ang mga puwedeng ways para makapag-moving on siya sa New York, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang isyu nila.

 

 

Kasama ang mga memes ng ‘as a friend’ at ang pag-i-insist ng mga netizens na hindi totoong three days lang si Paolo sa Baguio City.

 

 

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, naka-text nito si Paolo at shinare ni Ogie ang sagot sa kanya ng actor.

 

 

Dinipensa nito ang sarili sa mga nagkukuwestiyon ng talagang bilang ng araw na nasa Baguio siya. Sabi raw ng ngayo’y controversial actor, “Naloloka na rin ako mare! Ang sabi nila, 5 days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman, 10 days daw kami. Pero pakisabi gawin na nilang 30 days, Ha ha ha!”

 

 

Sabi pa rin daw ni Paolo, “Paano mangyayari ‘yun? August 28 nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30 nag-taping ako ng Bubble Gang. September 3, taping ako ng Dear Uge, so ano ‘yun, inaaraw-araw ko ang akyat-panaog sa Baguio?

 

 

      “Ano ‘to, roadtrip every other day? Saka ang nakakaloka pa rito, ang daming paparazzi, ang daming curious sa everyday events ko. Nagtataka lang ako, ang daming nagpa-picture sa akin noong August 28 na nagpabakuna ako sa Caloocan, bakit walang nag-post?

 

 

“Now is the best time na i-post niyo ‘yun dahil pinagbibintangan akong lima o sampung araw ako sa Baguio. Sayang walang CCTV noong nagpabakuna ako.”

 

 

Tawang-tawa naman si Ogie sa last sentence ng text ni Paolo sa kanya nang sabihin nito na, “Ikaw na ang bahala, Mare. As a friend.”

 

 

***

 

 

NAPAPA-“SANA ALL” na lang sa kilig ang mga netizen na nasusubaybayan ang love story nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

 

 

       Dahil nga open na sa kanilang relationship, so malaya na rin silang nagpo-post sa kanilang mga social media accounts ng mga sweet moments nila together.

 

 

Kinilig at nag-trending din dahil pinag-usapan ang tila home dinner date ng dalawa.  Eh, shinare ito ni Bea sa kanyang Instagram na ni-repost naman ni Dominic.

 

 

Nagpaka-romantic dinner date sila sa bahay, with a dim light, candlelit dinner at obvious din na may pa- bouquet of flowers pa si Dominic kay Bea.

 

 

***

 

 

“BABY Boy” talaga ang tingin ng bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez sa kanyang kauna-unahang leading man sa GMA-7 na si Kelvin Miranda.

 

 

Pero kung tutuusin, 8 years lang pala ang age gap nila dahil 30 years old si Beauty at 22 years old naman si Kelvin. Pero dahil in real-life, mukha namang mas ang experience talaga ni Beauty ay mas older man, considering na nga ang husband niya, kaya bagets na bagets ang tingin niya kay Kelvin na leading man niya sa kanyang Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette na magsisimula nang mapanood sa GMA Afternoon Prime starting today, September 13.

 

 

Sey ni Beauty tungkol kay Kelvin, “Ito ‘yung pinaka-baby boy ko na leading man.

 

 

“Sobrang taas ng energy. Alam mo naman ang mga bagets, ‘di ba? Sobrang taas talaga ng energy ni Kelvin. It’s very nakakatuwa kasi, it’s very infectious, so nakakahawa ‘yung energy niya sa taping.

 

 

      “I admire him because he’s very eager to go to work everyday, so nakikita ko ang sarili ko dati sa kanya. It makes me grounded kasi parang I have so much to learn pa rin kahit bata o matanda ‘yung partner ko, ang dami ko pa rin maatutunan sa kanila, especially sa kanya.”

 

 

Sabi pa ni Beauty, nagulat daw siya sa nakita niya rin na chemistry nilang dalawa.

 

 

“Na-surprise talaga ko na we have a beautiful chemistry on screen,” sey pa niya.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Laguna, Iloilo City, CDO inilagay sa ilalim ng ECQ, MECQ ang Cavite, Rizal at Lucena City hanggang Aug. 15

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang Agosto15, 2021.   Samantala, inilagay naman sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 6 hanggang Agosto 15, 2021 […]

  • Huling post nang hamunin si Sen. Bato Dela Rosa: GRETCHEN, baka may pinagdaraanan kaya nag-deactivate ng IG account

    KUNG hindi kami nagkakamali, ang huling Instagram post ni Gretchen Barreto ay nang hamunin nito si Senator Bato dela Rosa.     Hinamon ni Gretchen si Bato na sabihin lang daw nito kung saan at kailan at dadalhin niya ang ebidensiya na ito ay totoo namang tumataya sa online o e-sabong.     ‘Yun nga […]

  • Pagpapalakas ng sistema vs bank fraud dapat unahin

    Sa halip na unang atupagin ang pagpapalit ng mukha ng P1,000 banknote, pinayuhan ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na asikasuhin muna ang pagkakaroon ng eagle-eyed anti-fraud mechanisms sa mga bangko.     Mas mahalaga aniya na magkaroon ng “sharp detection” sa mga bank fraud at hacking para […]