PAOLO, inamin na may ‘herniated disc’ dahil nasa lahi nila
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
SA Instagram account (@pochoy_29) ni Paolo Ballesteros, may isang netizen na nagtanong sa isa sa host ng Eat Bulaga sa kapansin-pansin na posture niya.
Comment ni @irmabaylen78, “Hi, Pao! I always watch eat bulaga. Stress reliever ko kayong lahat. Medyo bothered ako sayo Pao. Napansin ko kse yun likod mo. May scoliosis ka ba? Seryoso ha. Wag ka sana magalit. Nag aalala kse ako sa posture mo.”
Na sinagot naman ni Paolo, “@irmabaylen78 ay meron po herniated disc. Pero onti pa lang hehe. Lahi namen eh. sister at brother ko meron bakal sa leeg at lumbar.”
Sagot naman ng netizen na nagtanong, “@pochoy_29 awww. So sorry to hear that. Kami naman scoliosis kaya nung napansin ko yun likod mo, nag alala ako. My cousin had to go through braces pero wala din nangyari. Wala ka ba nararamdaman na pain?”
Nagpakita naman ng concern at pag-aalala ang kanyang mga followers:
“kuyaaa magpagaling ka po. Isa po kayo sa lagi kung inaabangan sa eat bulaga ei. Kapag walang Paolo, di ganun kasolid. Sending our prayers to you kuya Pao.”
“hope and pray everything goes well. Masaya kami when you’re around (eat bulaga) sending hugs and.”
“will be praying for you Pao. Hope to meet you soon, together with the Eat Bulaga Fam. Number 1 fan here. Take care ❤”
”Stay safe po kuya sana hindi na po lumala at sana gumaling na po. ingat po kayo lagi, love u kuya pao!”
“Get well soon po. Bawal po jhan ang matagal sa pag tayo. May ganyan ako ka work dati. Nag leletter “S” ang kanyang spinal. We will pray for you po.”
“pagaling kpo isa ka po sa nagpapasaya sa aming mga dabarkads.”
Samantala, kuwelang-kwela pa rin ang mga segments ng Eat Bulaga tulad ng ‘Bida Voice, Shy Singing Competition’, ‘Bawal Judgmental’, Social Dis-Dancing’ at ‘Juan For All All For Juan Agad-Agad’.
Magsisimula na rin ang online search para sa ‘Little Miss Philippines’ na napapanood sa youtube channel ng EB ng M-W-F tuwing 5 p.m. (ROHN ROMULO)
-
PBBM, ipinag-utos sa DPWH na lutasin ang problema sa pagbaha sa NLEX sa Gitnang Luzon
KASUNOD nang pagbisita sa mga lugar na binaha sa Bulacan at Pampanga, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na gumawa ng aksyon kaugnay sa mga alalahanin ng mga residente partikular na sa pagbaha sa mga kalsada tungo sa mga lalawigan. Sinabi ni […]
-
LGUs inatasan ng DILG na huwag inanunsyo nang advance ang COVID-19 vaccine brands
Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagbibigay alam sa mga indibidwal na magpapaturok ng COVID-19 vaccines ang brand na available sa vaccination sites. Sinabi ito ni DILG Secretary Eduardo Año kahit pa inatasan na nila ang mga local government units na huwag magsasagawa ng advance announcements sa kung […]
-
Oktubre 31, deklaradong special non-working holiday; long weekend nag-aantay
INIANUSYO ngayon ni Office of the Press Secretary officer in charge Usec Cheloy Garafil na pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang proclamation na nagdideklara sa October 31 ngayong taon bilang special non working holiday. Sinabi ni Garafil na ito ay para mabigyan ng mahaba-habang panahon ang ating mga kababayan na […]